CHAPTER ONE

1440 Words
CHAPTER ONE         DANI POV         I got this feeling that someone was watching me or looking at me intently. May paulit ulit ding humahaplos sa aking buhok. Ang sarap sarap sa pakiramdam, dahil damang dama ko iyong mainit na palad niyang humahaplos sa aking noo at halos mahigit ko ang aking hininga ng may maramdaman akong mainit at malambot na dumampi sa aking labi. Halik? Halik? Nakadampi lang iyon pero hindi ko mapigilang makaramdam ng init dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang taong gumawa noon.. Pero malabong mangyari iyon dahi—- parang sineng biglang bumalik sa aking alaala ang mga nangyari kanina.. ang pagbaba namin sa eroplano, ang pagsalubong sa akin ni Gabe at ang pagkikita namin ni- si T-Toff!!!           Si Toff!!!           Kasabay ng marahang pagdilat ng aking mga mata ay ang pagkawala ng mainit na labing iyon.. I longed.. I longed for his kisses.. maraming beses kong pinangarap na mahalikan at madama ulit ang mga labing iyon.. pero ngayon nasa harapan ko na siya gusto kong magsumiksik at magtago sa kanyang harapan dahil.. his face was a few inches apart from mine.. pero damang dama ko yung mainit ng singaw ng kanyang katawan, ang mala kuryenteng atraksyon naming dalawa.. nagtatayuan ang aking balahibo sa magkabilang braso.. at yung puso ko.. hindi ko alam kung papaano pipigilan sa mabilis na pagtibok.. nalunok ko ang aking sariling dila.. at alam kong namumutla ako.. Hindi siya nagsasalita pero damang dama ko iyong galit niya sa akin.. hindi ko siya matingnan dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, kung papaano magsisimula? kung kailangan ko pa bang magpaliwanag.. I know I owe him that.. pero——-               Yung mga anak ko.. Si Kristian, Kloe at Kristoff... Si Red? Nasaan si Red?!!!       Nasaan ako?!! Nasaan?!!       Nagsimula akong pangapusan ng hininga ng mapagmasdan kong nasa isa akong silid.. isang malaking silid na sarado ang mga bintana at nakababa ang mga kurtina kaya hindi ko malaman kung umaga, hapon o gabi na.. papaanong nangyari iyon? nasa airport kami? ako? kanina.. magkasama pa kami ni Red ——- gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw ng marealize ko ang lahat.. He did this.. and my god bakit kailangang traydurin ako ni Sera... after all the things I've done for her and Gabe... Huli na para pigilan ko ang aking mga luha dahil tuluy tuloy iyong nagbagsakan.. Pinunasan ko iyon ng maraming ulit pero hindi iyon maampat ampat.. " W-Where a-am I-I? " humihikbing tanong ko sa kanya.. ang higpit higpit ng pagkakahawak ko sa kumot na na nasa aking hita.. doon ako kumukuha ng lakas ng loob .. ng tapang..           " In our house, baby." namali yata ako ng dinig, lumunok ako ng ilang beses dahil gusto kong mawalan ulit ng malay dahil sa kanyang sinabi.. " our house" at isa pa.. tinawag niya akong "baby" pero punung puno iyon ng lamig... kagat labing iniangat ko ang aking mga mata at halos mapaatras ako mula sa headboard ng kama ng makita ko ang pagitan naming dalawa.. nakaupo siya sa kanang bahagi ng kama na aking kinahihigaan at sa akin siya nakatingin.. yung tingin na parang kinakabisa niya ang buo kong katauhan.. Napansin ko ang laki ng ipinagbago ng kanyang itsura, did I caused that..? he looks more mature, more formal than ever o mas tamang sabihing para siyang bloke ng yelo sa lamig.. pero napakagwapo niya pa rin.. walang makakahigit doon.. habang tumatagal mas nakikita ko ang pagkakatulad nila ng mga anak kong lalaki .. lalung lalo na sa mga matang iyon..         " W-Where is R-Re——       " Gone.. Gone ... He's gone Danika!! wala na siya at kahit kailan hinding hindi mo na siya makikita pa!!! " malakas na sigaw niya sa aking harapan habang unti unti niyang tinatawid ang ilang pulgadang layo namin sa isat isa.. his eyes was wild and full of anger at natatakot ako doon.. wala sa sariling bumalikwas ako ng pagkakahiga at nagsumiksik ako sa headboard.. hindi ko kasi kayang bumaba ng kama dahil nanginginig ang aking mga tuhod.. hindi ko maintindihan kung bakit? bakit ako hinang hina.. kung bakit pakiramdam ko pagod na pagod ako.. did he drugged me? did he?           " W-what did you do to me? to R-Red? T-T———-         " Why did you leave? "         I was caught of guard.. yung lahat ng itatanong ko sa kanya, nakalimutan ko dahil sa simpleng tanong na iyon na punung puno ng hinanakit.. nangangalit ang kanyang bagang, yung kamao niya mahigpit na nakahawak sa kumot na nasa aking paanan.. nagkaroon ng bikig ang aking lalamunan, hirap na hirap na akong huminga.. gusto ko siyang lapitan, hawakan, yakapin para pawiin yung nakikita ko sa kanyang mga mata.. pero natatakot ako.. natatakot ako.. dahil isusubo ko na naman ang aking sarili sa kanya.. and worst madadamay pa ang mga anak ko..         " Why did you leave me?"         " Why?"         Ipinikit ko ng buong diin ang aking mga mata at umiling .. " Ganoon lang ba talaga kadali para sayo na iwanan ako at kalimutan? O mas tamang itanong ko sayo kung minahal mo ba talaga ako, Danika? Kasi kahit ilang ulit kong balikan at isipin yung nakaraan hindi ko maintindihan kung bakit? bakit ka umalis? Si Ysobel ba? dahil kasal ako? then f**k you Danika, if that was your reason!! Ang babaw ng pagmamahal mo!! ang babaw mo!! "           Parang patalim na tumutusok sa aking puso ang kanyang mga sinasabi.. mababaw? mababaw bang dahilan na kaya ko siya iniwan dahil siya lang ang iniisip ko, ang kahihiyan niya, ng lolo niya, ng buo kong pamilya? may asawa siya at ano ako, kabit? mali ba ang ginawa ko? mali bang hangarin ko naman sa sarili kong umiba ng landas sa ginawa ng aking ina.. mahal na mahal ko siya hanggang ngayon wala pa ring nakakapalit sa kanya.. ako pa ba ang masama? ako pa ba ang may kasalanan? ang tanging kasalanan ko lang sa kanya.. ay ang paglilihim ko ng katotohanang may mga anak kami.. yun lang.. yun lang.. I need to defend myself.. " I-I did that for you.. for us.. for all of us.. kasi tama si Ysobel kahit pagbalik baliktarin ko man ang mundo mananatili pa rin ang katotohanang KABIT MO AKO.. at alam mo kung anong mas masakit.. d-dahi—————           " Dont give me that bu**s**t reason again!! Danika? for me!! look at me!!! look at me woman and tell me what do you see!!? you ruined me!! you left me!! you killed me!! wala kang ipinagkaiba sa kanya!! wala!! Ipinaglaban kita hindi ba? humihingi lang sayo ng panahon.. kaunting panahon lang Danika!! pero para kang magnanakaw na tumakas at biglang nawala!! Halos mabaliw ako sa kakaisip at kakahanap sayo!! Ta**ina!! mahal na mahal kita!!mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na." wala akong masabi, mistula akong natuod mula sa aking kinauupuan habang pinagmamasdan ko siya.. he's crying.. may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata habang paulit ulit niyang hinahaplos ang kanyang buhok at batok.. nanginginig ang kanyang mga kamay kitang kita ko iyon.. narealize ko ang napakalaking pagkakamaling ginawa ko ng siya ay iwan ko.. ang mga anak ko.. papaano ko iyon sasabihin sa kanya? natitiyak kong hinding hindi niya ako mapapatawad.. parang pinipilipit ang aking mga ugat.. yung lalamunan ko nanakit na sa pagpipigil kong bumulalas ng iyak.. " T-Toff.. I'm s-so————-         " Hindi ko kailangan ng sorry mo, Danika.. Ikaw ang kailangan ko.. Ikaw.. kung inaakala mong makaalis ka pa dito at makakabalik ka pa sa pinagtataguan mo sa mga nakalipas na taon, pwes!! nagkakamali ka!! kesehodang itali, iposas at ikulong kita sa kwartong ito gagawin ko!! masigurado ko lang na hindi mo na ako iiwan!! Baka nakakalimutan mo AKin ka lang!! akin!! kaya sa ayaw at sa gusto mo pakakasalan mo ako!!"                 pakakasalan?     pakakasalan ko siya?       tama ba ang iniisip ko..     malaya na siya..       Huli na ng mapagtanto ko ang balak niyang gawin dahil bago pa ako makatili at makapalag.. nahatak na niya ang aking dalawang binti dahilan para mapahiga ako sa kama ng tuluyan at umibabaw na siya sa akin.. pigil pigil niya ang aking dalawang kamay sa aking ulunan .. sinigurado niyang hindi ko siya maitutulak.. sa nanginginig kong katawan.. nanayo kong mga balahibo.. ipinikit ko ang aking mga mata.. dahil hindi ko kayang tingnan at labanan ang intensidad ng kanyang mga titig sa akin.. punung puno iyon ng pangako.. ng pagnanasa.. ng init.. taliwas sa bungad niya sa akin kanina...           hinding hindi ako lalaban.. dahil at the back of my mind.. I want this to happen.. I want him.. for so long.. " You're Mine, baby." daing niya sa akin at buong alab niyang inangkin ang aking bibig.           Dammit!! fireworks are everywhere..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD