Giyo’s POV Pagdating ko sa harap ng bahay ng pamilyang Montalban, nagtaka ako kasi halos lahat ng kasambahay ay may kani-kaniyang bitbit na basket. “A-ano pong mayroon? Bakit lahat kayo ay may dalang basket?” Hindi ko na napigilang magtanong. Ngayon ko lang kasi nakitang sabay-sabay silang aalis ng bahay at may mga dala-dala pang basket. “Si Madam Ofelia, pinamili kami ng maraming stock para sa kusina, wala na po kasing pagkain sa stock room,” sagot ng isa sa kanila. “Bakit po ata lahat kayong kasambahay ay aalis? Wala bang natira sa loob?” tanong ko pa. Umiling sila ng sabay-sabay sa akin. Sa tingin ko tuloy ay parang alam ko na kung bakit. Sinadyang ni Madam Ofelia na utusan sila nang sabay-sabay para ma-solo ako. Mas lalo tuloy akong kinakabahan. Pag-alis nila, pumasok na rin ako