5 am pa lang ng umaga ay gising na ako at naghahanda na sa pagpasok sa opisina. Kailangan ko na agahan ang pag pasok ko ngayon sa opisina para maka isip ako ng paraan kung ano ang dapat kong gawin para hindi ako masisante sa aking trabaho. Dinamihan ko na lang ang niluto ko na tapang baka, para sabay na kaming dalawa ni sir Jeffrey kumain ng almusal. Suhol ko sa kanya para naman maging good vibes siya ngayon umaga at hindi ako tanggalin sa trabaho dahil sa ginawa ko sa kanya noong biyernes ng gabi. "Duraan ko kaya ang pagkain na ibibigay ko kay sir Jeff ngayon baka bigla siyang mainlove sa akin at makalimutan niya si ma'am Christina." Bungisngis ko habang hinahalo ang aking niluluto. Pagkatapos ko magluto ay naligo na ako at at nag ayos para pumasok. Suot ko ang binili namin ni Milot n