bc

The Dominant's Tamer

book_age16+
56
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
dominant
heir/heiress
bxg
kicking
werewolves
musclebear
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Laine ay isang sikat na agent at kilala siya bilang si Agent X at sinisekreto din niyang isa siyang Omega. Pero isang araw nagulat siya nang magka interest sa kanya ang isang pinaka dominant na Alpha sa boung mundo at ang lahat ay natatakot sa kanya pero ang pinagtataka niya ay malambing ito sa kanya at ibang iba sa pinapakita sa ibang tao. Ano kaya ang dahilan kung bakit naging ganun ang trato sa kanya ng isang Dominant at Tyrant na Alpha na kinatatakutan ng lahat?Abangan...******

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Meet by Accident
Laine's Point Of View* Dahan dahan akong nagmulat dahil nanghihina ako ngayon. Ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko na parang di ko ma explain. Nagpalinga linga ako sa paligid at madilim iyon pero may kaunting ilaw naman at naramdaman ko na may kayakap ako at napatingin ako sa isang lalaking na natutulog sa tabi ko at nakatakip pa ang bangs nito sa mukha niya. Dahan dahan naman akong napatingin sa katawan niya at sa baba at mabuti may pants siya pero half naked siya. Kinalma ko ang sarili ko at dahan dahan akong tumayo at nakita ko ang kabouhan niya at ang pinakamalala ay naka posas pa ang mga kamay namin! Sa isang posas ay nakatali ang isang kamay namin at naka ikot pa ito sa headboard na bakal. "Damn!" Mahinang mura ko na lang dahil sa nangyayari sa akin. Tiningnan ko ang damit ko at thank God ay may damit pa ako. Dahan dahan akong tumayo pero nanghina ulit ang kamay ko at bumagsak ako sa dibdib niya na kinagising niya at napa inda din siya sa sakit. "I'm so sorry." Dahan dahan naman itong napamulat at napatingin naman ito sa kanya. At nagulat siya habang nakatingin sa akin at lalo na sa katawan niya. Dahan dahan naman siyang napatakip sa katawan niya. Nahihiya siya sa katawan niya? Maganda naman ang katawan niya eh may walong pandesal pa siya. Napatingin naman siya sa posas na nakakakabit sa kamay namin. "W-Where are we and who are you?" Nakikita ko din na same kami ngayon ng estado at mukhang nilagyan din siya ng druga. "Bakit mo naman ako tatanungin eh parehas lang naman tayo naka posas dito sa higaan na ito." "Sorry..." Nagpalinga linga naman siya sa paligid at ganun din ako. Nasa isang kwarto kami na wala man lang bintana at isang pintuan lang. Paano ba talaga ako napunta dito? Nasa duty ako nun at ang kasama ko lang ay ang bagong ka buddy ko na si Agent Violet at naglalakad kami nun sa opisina at gabi na nun nang bigla akong nawalan ng malay at huling naalala ko ay lumapit sa akin na may ngiti sa mga labi nito. "Miss?" Napatingin ako sa katabi ko ngayon. "Why?" "May idea ka ba kung sino ang may gawa nito sayo?" "My friend. Hindi din ako sure kung bakit niya ginawa ang bagay na yun baka personal vengeance siguro. Ikaw---" Biglang napahawak ako sa katawan ko dahil bigla itong nag iinit. "Hey, are you okay?" Damn, para akong nalalasing na ano. Bakit biglang nag iinit ang katawan ko? Napapansin ko din na hinihingal ako sa nangyayari ngayon. "W-Wag mo kong pansinin. Ayos lang ako." Delikado ang sitwasyon ko ngayon dahil ibig sabihin nun ay umeepekto ang druga sa katawan ko. May inilagay ang babaeng yun sa akin na druga! Baka yun ang dahilan na nawalan ako ng malay! Pero, mas lalong umiinit ang katawan ko ngayon! Alam ko ang bagay na ito. Ang kailangan ko ngayon ay ang labasan ko ng init ng katawan ko ngayon at kung hindi ay ako pa din ang mahihirapan sa bagay na ito. "You can use me." Napatingin naman ako sa kanya at napakagat ako sa labi ko. "I won't do anything to you, promise... I'm sorry, kung sinabi ko yun." Napaiwas siya ng tingin at nalasahan ko na ang dugo sa labi ko na kinalaki ng mga mata niya. "Don't bite your lips." Dahan dahan kong inalis ang buhok na nakatakip sa mukha niya para makikita ko ang mukha ng lalaking nasa harapan ko at di ko inexpect na sobrang gwapo ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Agad akong pumatong sa kanya at mabuti hindi naman siya gumalaw sa position na iyon at kagaya ng sinasabi niya ay hindi siya gumalaw. "I'm sorry," hinihingal na ani ko sa tenga niya. Dahan dahan na inilapit ang labi ko sa kanya at hinalikan ko na ang estranghero na nasa harapan ko. At di ko na alam ang mga sumunod na nangyari nun. 3rd Person's Point Of View* Mahimbing na natutulog sa tabi niya si Laine at yakap yakap nila ang isa't isa at ngayon lang naramdaman ng Binata na magaan ang loob niya sa babaeng naka talik niya ngayon. Ito ang naka una sa kanya at nakikita din niya na siya din ang nakauna sa dalagang nasa harapan niya ngayon. Narinig niya ang malalakas na putukan ng mga baril sa labas at kinuha niya ang kumot at tinakip niya katawan ng babaeng kayakap niya at hinalikan niya ang noo nito at napangiti siya. Biglang bumukas ang pintuan at agad nakita niya ang mga tauhan niya at agad silang napaiwas ng tingin at agad yumuko. "Boss." "Ligpitin niyo ang lahat ng kalaban na kumidnap sa amin." "Ye---" "Lower your voice." At yumuko na lang ang mga ito at nagsign siya na lumabas muna sila at ginawa naman nila. Napabuntong hininga na lang ito. "I will remember you until we meet again." Laine's Point Of View* Nagising ako at nasa Hospital ako ngayon at nasa tabi ko ngayon ang kapatid kong Doctor. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sa akin dahil siguro ay gising na ako. "Baby, you're already awake! Pinag alala mo ko!" Umiiyak na ani niya at niyakap niya ako. Siya ang older Brother ko na si Park Daehyun, isa siyang sikat na neurologist. Malamig man siya sa ibang tao pero pagdating sa akin ay sobrang mahal na mahal niya ako. Di ko siya kayang matulak dahil nanghihina pa din ang katawan ko. "Ano bang nangyari! Mabuti at nakita ka at buhay kang binalik sa amin." "W-Water..." Natigilan naman siya sa pag emote at agad napatingin sa akin. Ganito talaga siya ka over acting basta sa akin. "I said water. I need water." "Ahh! Sorry!" Agad naman siyang pumunta sa lamesa. Napaisip ako kung ano bang nangyari nung gabing iyon? Matapos akong mawalan ng malay habang ginagawa namin iyon ay ano nang nangyari sumunod nun? "Here, Baby." Inanalayan naman niya akong maupo sa higaan at pinainom niya sa akin ang tubig dahil parang ilang araw na akong hindi umiinom ng tubig. "Uuhawin ka talaga. Isang linggo ka kasing di nagising." Napaubo ako dahil sa sinabi niya. "Hey, dahan dahan naman sa pag inom! Ayan tuloy." "What do you mean na isang linggo? Isang linggo akong walang malay dito sa Hospital!" "Yes, dinala ka ng isang grupo ng mga lalaki at ang sabi nila ay sabay kang naligtas kasama ang Boss nila sa isang kwarto. Kinidnap kayong dalawa ng Boss nila." Boss? Boss ang lalaking yun? Mukhang nerd naman ang isang yun. "Where are they? Naalala ko ang kasama kong lalaki doon. He helps me a lot." Kakaibang help naman kasi ang ginawa niya sa akin at dahil dun ay okay na ako ngayon. Inimbestigahan ko pa ang drugang iyon na pinainom sa akin. "I'm sorry, di ko natanong kung sino ang Boss nila dahil parang private sila eh." Dahan dahan naman akong napatango. "By the way, grabe ang dosage na inilagay sayo ng kumidnap sayo. Kilala mo ba kung sino ang gumawa nun sayo? Nag aalala ako baka balikan ka nun. Please, ihinto mo na lang ang trabahong yan, Baby." Dahan dahan naman akong umiling. "I love my work, Brother." "Naman ehh. Kung ako ay ililigtas ko ang mga pasyente ko ikaw naman ay humuhuli ng mga bigating criminal at minsan ay nakakapatay ka pa. Ako ang kinakabahan sa trabaho mo eh. Katulad na nangyari sayo nung huling linggo." "Alam mo ang over acting mo. Kaya ko naman ang sarili ko. Mahirap mamatay ang masamang d**o, Brother." Biglang may kumatok at bumukas ang pintuan at nakita ko sina Dad at Grandpa na may dalang bulaklak at prutas. Nanlalaki ang mga mata nilang napatingin sa akin. "Our Princess!" Isa pa sila! Agad akong niyakap ni Dad at naiiyak pa ito. Ang Dad ko naman ay si Park Eunseok, isa siyang sikat na businessman sa boung Asia. Kahit ganito sila ay kagaya ng Older Brother ko ay nag mana siya sa Dad ko na walang sinasanto kahit kanino at sa akin lang sila malambot na parang pusa. "Princess, pinag aalala mo si Dad. Ayos na ba ang katawan mo? Hindi kita naprotektahan. I failed as your Father." "Dad. Ayos na ayos na ako." Niyakap naman niya ako ng mahigpit at napatingin naman ako kay Grandpa ko na malamig na nakatingin sa akin. "Grandpa, don't look at me like that. Di pa ako patay," kunot noong ani ko sa kanya. Alam ko na ganun din siya pero di pa din nito inaalis ang pagka cool nito. "Come here, Grandpa." Lumapit naman siya at niyakap ko siya ng mahigpit. Alam ko na nag aalala din siya sa akin. Tiningnan niya ako at hinawakan niya ang pisngi ko. "My Grandaughter, we will find that criminals who did this to you. Walang kahit sino ang gumagawa sa pamilya natin nito. Gagamitin ko ang lahat ng connections ko para mahuli ang mga bastardong iyon na may gawa nito sayo." Ganito si Grandpa dahil dati isa siyang retired General sa America at businessman din noon. Pero binigay na niya kay Dad ang lahat. "Grandpa, ako na ang pupugsa sa mga taong yun at aalamin ko din ang drugang ginamit nila sa akin baka marami na silang na biktima." "That's my Grandaughter." By the way ako nga pala si Laine Madrigal pero ang totoong pangalan ko ay Park Da-eun. Ang Madrigal ay apelyado ni Mom nung dalaga pa siya at kagaya ng sa apelyedo namin na Park ay dahil ang Dad at Grandpa ko ay pure Koreans pero natuto din silang magtagalog dito sa Pinas. Isa akong Undercover Agent sa Korea pero dito ako pinadala sa Pinas dahil may tinatapos pa akong mission dito pero dahil sa ka trayduran ng kasamahan ko ay nalagay ako sa positiong iyon at yun ang isa ko pang mission ay malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Lalo na ang lalaking lumigtas sa akin. Gusto kong malaman kung sino siya at alam ko na magkikita pa kami nung lalaking iyon. Hindi pa ngayon pero sa darating na panahon. ******** LMCD22

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook