THADDEUS "Okay na ho ba iyong mga materyales?" tanong ko. "Binibili pa ho ni sir Max iyong iba," sagot sa akin ng butler ko. "Bumibili pero may kasama pang babae," napapailing kong sabi. Buti na lang at pinaalis na niya iyong chic niyang dala. Ngayon naman ay sa kabilang bakod na naman ang inaaswang niya. Kailan pa kaya magbabago iyong gagong 'yon. "Si senyorita Amanda ho oh?" pasimpleng imporma pa sa akin ni Mang Berto. Nakapamaywang akong humarap sa kanya at ngumiti. Damn! This woman is really sent from heaven. Inirapan niya lang ako at may kung anong tinitingnan sa phone niya. "Saan siya madalas pumupunta?" baling na tanong ko kay Mang Berto. "Sa ilog po senyorito o kaya naman ay sa tree house." "Sa tree house ko?" kunot-noo kong tanong. Tumango naman si Mang Berto. "Noong hi