AMANDA MONDAY na Monday na pero aligaga pa rin si Grace sa paghahanda. "Grace! Ready the car!" utos ko. Matapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako palabas ng mansion ko. My bodyguards are in the other car. I bring them just in case na magkagulo ang pamilya ni Papa. "Tara na po ate," ani sa akin ni Grace. Sumakay ako agad sa kotse ko. Ilang oras din ang biyahe namin at aligaga pa rin si Grace sa aking tabi. "Stop it!" sita ko. Napayuko naman siya. "Anong problema?" tanong ko. "Si Max po kasi, tawag po siya nang tawag. Hindi niya alam na aalis po tayo." Para na siyang maiiyak. I took a deep breath. "Call him." Kinuha ko ang earphones ko at isinaksak sa aking magkabilang tainga. Ganyan ba talaga kapag mahal mo ang isang tao. Nagiging praning ka kapag hindi mo nasasagot ang tawag ni