AMANDA NAPAPIKIT ako ng mariin at ninamnam ang huling sinag ng araw bago ito tuluyang lumubog. Matagal ko ring hindi napanood ang paglubog ng araw. Ilang minuto rin akong nakatanaw lang sa kalangitan hanggang sa mapalitan na ito ng maliwanag na buwan. "Finally you showed up!" Napako ako sa aking kinatatayuan at dahan-dahang napalingon sa aking likuran. Nagkamali ako ng akalang wala siya. Sa tono nang pagkasabi niya ay halatang inaabangan niya ako. Masiyado akong nagpadalos-dalos. Hindi ko siya pinansin at nag-iwas ng tingin. Tinalikuran ko siya at paakmang lalabas na sana ng tree house pero laking gulat ko nang bigla niya itong isinarado at ini-lock pa. "I won't let you go that easily." "Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!" matigas kong sabi ngunit bigla niya akong kinabig at isinalampa