AMANDA KUMAWAY lang ako kay Grace at tuluyan nang nawala sa paningin ko ang sasakyan ni Max. "Malungkot mag-isa, 'di ba?" I faced Sapphire. "Bakit hindi mo itanong 'yan sa sarili mo?" sagot ko at pumasok na sa loob. Napasulyap ako sa aking relo. Past five na nang hapon. Pagpasok ko sa aking silid ay agad akong natigilan. "Hindi ko naman pinatay ang ilaw?" takang-taka kong tanong sa aking sarili. Kinapa ko ang switch. Ayaw naman gumana. Lumabas ako ng aking kuwarto. "Oh my gee! Bakit walang ilaw!?" Sapphire whined. "Nako senyorita Amanda, pumutok po iyong isang fuse kaya nawalan po tayo ng ilaw," paliwanag sa akin ng isang katulong. "Oh my gee! What a stupid mansion is this!?" Sapphire whined again. Gusto ko siyang itulak pero ang pangit naman kung hindi niya malalaman na ako ang