Kabanata 1

1025 Words
AMANDA Panay ang paglakad takbo ko dahil gusto kung ibalita kina Mama at Papa na nanguna na naman ako sa klase. Nang makaabot na ako sa eskinita ay napansin ko na ang daming tao sa labas ng bahay namin. Agad akong napatakbo at halos mapugto ang hininga ko nang makita ko ang Mama at Papa ko. Walang malay tao at duguan.  "Ma! Gising! Ano ba!?" Binalingan ko ang papa ko.  "Pa! Gising! Look! Nanguna ako ulit sa klase! Papa!" Iyak lang ako nang iyak.  Bigla namang gumalaw ang ina ko.  "Ma! Mama! 'Wag mo naman ganito!" pagmamakaawa ko.  "Bea... Hanapin mo ang totoo mong ama anak..."  Umiling-iling ako. "Ma! Please! Si Papa lang naman ang ama ko! Ma! Sino may gawa nito!?" Niyuyugyog ko si Mama.  "Clin... Ton."  Matapos sabihin iyon ni Mama ay tuluyan na siyang binawian ng buhay. "Ma! Please!"  "SENYORITA Amanda! Gising po!"  Napabalikwas ako ng bangon. Nasapo ko ang aking ulo ko.  "Senyorita? Tubig po."  Tumango lang ako at kinuha ang hawak niyang baso. Dali-dali ko pang nilagok ang lahat ng laman nito.  "Ilang taon na po kayong binabangungot. Nag-aalala na po ako sa inyo." Binalingan ko ng tingin si Grace.  Ang personal na alalay ko at kung ano-ano pa.  "Don't be Grace. You knew me. I don't want to know that somebody have a pity on me," walang emosyon kong paalala sa kanya. Yumuko lang din naman ito nang maalala niya ang aking sinabi.  "Patawad po," paumanhin niya. Napabuga ako ng hangin.  "Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na ayaw kong may humihingi ng tawad sa akin, lalo pa at wala namang kasalanan at sapat na dahilan. "  Mas lalo siyang napayuko at tuluyan nang umiyak. Lumapit ako sa kanya at pinahiran ang mga luha niya.  "Learn to control your feelings."  Tumango lang siya nang nakangiti at niyakap ako.  "Prepare everything Grace and get back to your work," utos ko.  Kinuha ko ang aking robe at isinuot. Pumuwesto ako sa beranda. I took a deep breath. This beautiful place makes my mind at peace. "Senyorita Amanda? Ito na po lahat ang kailangan niyo," Grace interfered.  "Just leave it there," sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.   Napapikit ako at ninamnam ang simoy ng hangin na tumama sa aking manipis na balat. Nang magdilat ako'y agad akong napakunot ng aking noo nang matanaw ko ang isa sa mga paborito kong kabayo na nagwawala. Agad akong napatakbo palabas ng aking silid.  "Senyorita Amanda! Magbihis po muna kayo!" habol pa sa kin ni Grace nang siya'y aking lagpasan.  Hindi ko siya pinansin at nagmadali nang lumabas sa mansion ko. Nang umabot ako sa kuwadra'y lahat ng mga trabahador ko'y natigil at napayuko nang makita ako.  "What happened?" tanong ko.  "Nagwala po kasi bigla senyorita," sagot no'ng isa.  Agad akong lumapit sa kabayo. Kumalma ito nang makita ako. Hinaplos-haplos ko ang buhok nito at hinagod ang leeg.  "Palitan niyo ang sapatos niya," utos ko nang mapuna kong sira na ito.  Agad naman silang tumalima. Hinarap ko ang isa sa mga taga pangalaga ko.  "Kung hindi mo na kaya ang trabaho mo ay malaya kang makakaalis."  Hindi siya umimik at tumango lamang sa akin. Tinapik ko lang ang balikat niya at bumalik na sa mansion. Marahas ako nagpakawala ng hininga. Kung hindi ako prangka at istrikto malamang ay napabayaan na nila ang kanilang mga tungkulin. Iyon ang ayaw ko sa lahat.  Pagpasok ko ay nakahilera lahat ang mga katulong ko.  "Good morning po, senyorita," bati nila sakin.  Tumango lang ako.  "Grace!" tawag ko.  Kumaripas naman nang takbo palapit sa akin si Grace at muntik pa siyang madapa dahil sa kanyang pagmamadali. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.  "May traffic?" Natawa naman ang iba kong mga katulong dahil sa aking sinabi.  "So... Wala po!"  Napataas lang ako ng aking kilay. Ang akala ko na naman kasi ay hihingi siya ng tawad. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong hihingi ng tawad gayong hindi naman sadya ang kamalian.  "Palitan lahat ang kurtina," utos ko. Lahat naman sila ay tumalima. Umupo lang ako sa sofa at pinagmasdan silang nag-aayos. Kung hindi dahil sa taong kumupkop sa akin malamang ay nasa lugmok na kahirapan pa rin ako. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tinungo ang nag-iisang pasilyo. Sa dulo nito ay may isang silid na hindi ko ipinagagalaw sa aking mga katulong, maliban kay Grace. Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob. Lumakad ako at umupo sa sofa at matamang pinagmasdan ang malaking portrait na nakasabit sa pader. Inakyat ko ang aking mga hita at niyakap ang aking mga tuhod habang ang baba ko ay nakapatong dito. Nasa mamalim ako ng pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi ako sumagot at kusa lamang itong bumukas. Si Grace agad ang bumungad sa akin. Tumabi siya sa akin sa sofa at nakimasid din sa larawan. "Namimis niyo po siya?" basag ni Grace sa matinding katahimikan.  Tumango ako.  "Ilang taon ka na bang naninilbihan sa akin?" tanong ko.  "Mahigit sampung taon na, senyorita," aniya  Pahapyaw akong napangiti. Siya lang ang nakakakita sa akin na ngumiti at tumawa. Napatayo ako at mataman siyang tinitigan.  "Simula ngayon ay ate na ang itawag mo sa akin Grace," wika ko.  Ikinabigla naman niya iyon.  "P-pero?"  "May angal ka?" kalmado kong tanong.  "Hindi naman po. Masaya lang po ako."  I patted her head and sat back beside her.  "Mahal na mahal niyo po talaga siya, ate?" tukoy niya sa larawan.  Tumango ako.  "Siya ang kumupkop sa akin noong mga panahong walang-wala ako. Tinulungan niya akong umahon at maging matatag. Lahat ng bagay na mayro'n ako ngayon ay utang na loob ko kay Papa."  Bahagya naman siyang nagulat sa isiniwalat ko.  "Po? Hindi po kayo totoong asawa ni Don Silmaro?" gulat niyang tanong.  "Hindi," matipid kong sagot.  "Itinuring niya ako na para bang isang tunay na anak. Balak niya na sana akong ampuning legal noon ngunit nagkaproblema siya sa mga kamag-anakan niya. Balak nilang paghatian ang kayamanang maiiwan ni Papa. Kaya imbes na ampunin ako bilang anak niya ay pinakasalan niya ako. Mapanatili lang ang kanyang kayamanang pinaghirapan ng ilang taon," kuwento ko. "Isekreto mo ang lahat ng nalalaman mo Grace, kung ayaw mo'ng ibaon kita ng buhay," dagdag ko at bumaling sa kanya upang makita ang kanyang mukha. Nakita kong napalunok siya. Alam niya kasing hindi ako mapagbirong tao. Lihim akong napangiti sa kawalan. "May balita ka na ba sa kanila?" pag-iiba ko ng usapan.  Umiling naman siya. Marahan akong napapikit at napakuyom ng aking mga kamay. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa pamilyang nagwasak ng kamuwangan ko sa mundo. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Darating din ang araw na magbabayad sila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD