CHAPTER TWO

1070 Words
CHAPTER TWO Paglabas niya ng kanyang silid ay nadatnan niya itong naghahanda ng almusal. Palibhasa chef ito kaya masarap ang inihahanda nitong almusal. Araw-araw ay ito ang gumagawa ng almusal niya kaya sobrang mamimiss niya ito kapag nagkaroon na ito ng sariling pamilya. Syempre mas uunahin na nito ang asawa bago siya. Napangiti siya habang pinagmamasdan niya ang lalaki. “Pa-hug Jas!” lambing niya dito sabay yakap niya sa matipuno nitong dibdib at tulad ng inaasahan niya niyakap siya nito kahit may dalang sandok. Ganoon silang dalawa. Aso at pusa pero mahal na mahal nila ang isat-isa. “May problema ka ba? Kanina lang kung singhalan mo ako ay ganun na lang,” tanong nito sa kanya. Humilig siya sa balikat nito habang nakayakap ang mga kamay niya sa bewang nito. “Naisip ko lang, wala na akong bestfriend kapag nagpakasal ka’na. Malulungkot na ako dahil wala na ang taong nakakaintindi sa kabaliwan ko,” pagdadrama niya. “Ang senti mo yata ngayon ah? Napagalitan ka lang ganyan ka’na,” natatawang wika ni Jasper sa kanya. Ipiinaghila siya nito ng upuan at pinaupo. Tulad nang dati ay sinasabayan siya nitong mag-almusal. “Alam mo bang parati akong nananaginip? Hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko,” pag-amin niya kay Jasper na napapakagat-labi. “Anong klaseng panaginip?” umangat ang mukhang tanong sa kanya ng kaibigan bago ito sumubo ng pagkain. Tumayo siya ang naglagay ng dalawang kape sa tasa. Inabot niya iyon sa kaibigan at muling umupo. “Ituloy mo na ang kwento mo at nabibitin ako,” wika pa sa kanya ni Jasper. Inabot nito ang kape at hinipan bago ininom. “Nakikipagtalik daw ako sa isang lalaki,” sagot niya. Nagulat pa siya ng maibuga nito ang kapeng iniinom. Nagkanda samid-samid ito. “Ang bastos mo!” wika nitong inabot ang tissue at pinunasan ang bibig. “Hindi nga ako nagbibiro. Mamatay ka pa,” nakangiwi siyang sagot na natatawa. “Seryoso ka talaga?” takang-taka na tanong nito sa kanya. “Oo nga at alam mo ba sa tuwing na gigising ako I’m so f*****g wet,” kwento niya pang kinikilig na natatawa. Nagkanda ubo-ubo ito sa sinasabi niya. Hindi siguro kinakaya ang kaprangkahan niya. “Alam mo ba ang ibig sabihin ng panaginip ko?” dagdag niya pang tanong sa kaibigan. “You’re horny!” sagot nito kaya binato niya ito ng saging na nasa harapan nila. “Hindi ako si Madam Auring pero may sasabihin ako sa’yo. Hindi kaya kailangan mo lang ng s*x?” turan nito na ikinalaki ng mata niya. “Sure, ka ba diyan?” nakangiwi niyang tanong. “Oo, kasi kung nananaginip ka about s*x ibig sabihin ay naghahanap ka. Hindi naman siguro kasalanan na pagbigyan ang init ng katawan natin paminsan-minsan di ba? At kung ako sa’yo maghanap ka’na ng asawa para naman hindi ka na managinip sa gabi dahil kapag may asawa ka na ay talagang magkakaroon ka ng s*x at hindi lang gawa ng imahinasyon mo! Tanggapin mo na lang kasi na kulang ka lang!” sabay tawa nito sa kanya. Napangiwi siya sa sinabi ng kaibigan. Akala mo naman ay madali lang maghanap ng asawa. “Alam mo naman di ba na maselan ako sa lalaki kaya paano ako makakahanap agad?” nalulungkot niyang tanong. “Hu’wag ka ng choosy dahil malapit ka nang mawala sa kalendaryo!” turan pa nito na ikinainis niya. Bente otso na kasi siya at sa susunod na buwan ay kaarawan niya na naman. “Bakit kaya hindi na lang ikaw ang tumupad sa mga sinasabi mo sa akin?” turan niya ng biglang may pumasok na kalokohan sa isip niya. “Hindi ka ba attracted sa akin?” pilya niyang biro sa kaibigan. “What do you mean?” kunot ang noong tanong ni Jasper sa kanya. “Nandiyan ka na rin lang naman bakit pa ako hahanap ng iba? It takes time bago ako makahanap ng matinong lalaki. Paano kung sira-ulo pala ang mapili ko at sadista sa kama?” “Alam mo ba ang sinasabi mo?” nanlalaki ang mata na tanong sa kanya ni Jasper. “Yes! Hindi mo ba alam na advantage rin sa’yo ito? Akala mo ba hindi ko alam na patay na patay ka sa akin at may lihim kang pagnanasa sa alindog ko?” nanlalaki ang mga mata na wika niya. “Ang lakas ng tama mo ah? Nakasinghot ka yata ng gas at napuno ng hangin ‘yang isip mo! Para mo malaman may alituntunin ako pagdating sa s*x and I doubt na papasa ka sa criteria ko,” ani Jasper kaya napaangat ang kanyang kilay. “Sabihin mo! Baka mamaya over qualified pala ako at nang masimulan na natin habang maaga para makarami tayo,” sabay kindat niya dito. Ang totoo kasi inaasar niya lang ang mokong at parang kakagat naman sa kalokohan niya. “Una, gusto ko ang babae mag-initiate sa s*x. Doon kasi ako natuturn on. Kung kinakailangan sumayaw ka dapat sumayaw ka para maarouse ako sa gagawin natin. Ayaw ko ng boring sa kama, baka tulugan lang kita,” turan nito sa kanya. Ngayon pa lang ay hindi niya maimagine ang sarili na gumigiling sa harapan nito habang naghuhubad ng damit at lalong hindi niya kayang mag-initiate. Baka pagtawanan lang siya nito. “Baka nga ang humalik ay hindi mo alam!” natatawa na wika ni Jasper sa kanya. “Ano kaya mo ba?” untag nito sa kanya dahil natigilan siya. “Ha? Oo naman!” sagot niya ayaw patalo. “Bakit mukhang nanginginig ka? Ngayon pa lang sabihin mo na kung uurong ka. And last ayokong nabibitin ako sa kama. Tandaan mo yan!” seryoso nitong turan. Tumayo ito sa upuan at nagligpit ng kinainan nilang dalawa. Naiwan siyang tulala at natigilan. Ano ba itong napasukan niya? Bestfriend niya si Jasper at higit sa lahat ikakasal na ito. Kahit na biro ang sinabi niya ay gusto niyang maging totoo. Hindi lang basta kalokohan niya ang lahat kundi noon pa man ay lihim niyang minamahal ang kaibigan. Sinubukan niya namang ibaling sa iba ang pagmamahal niya pero ibang-iba ito sa lahat ng lalaki. Jasper is perfect. Ito lang ang nag-iisang lalaki na labis niyang tinatangi. Kung kinakailangan niyang magpakahibang gagawin niya pero natatakot siya na baka kapag pinagtapat niya ang nararamdaman sa lalaki ay mawala ito sa kanya ng tuluyan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD