AN: Salamat sa mga genuine reader ko, hooray! Sana suportahan niyo ako hanggang sa huli.
----------------------------------------------------------------------------
Jessy P.O.V
Natahimik ako at napaisip sa sinabi
ni Eveth.
Sarap o Hirap? Parang narinig ko na 'yon... Tama! Sa isang fraternity, na kapag sumali ka sa frat nila dalawa ang pagpipilian mo. Sarap o Hirap. Sa sarap s*x, at sa hirap... Mukhang marami ang puwede na gawin do'n.
"Tinatawagan namin si Helga, ang isa sa fighter ni Mr. Smith, KING AHRAW." umaalingaw-ngaw ang echo ng mikropono nang announcer sa kabuan dito sa loob. Nakabibinging hiyawan ng mga lalaki at mga babae ang maririnig mo.
Pero sandali? Mr. Smith? Ibig sabihin isa sa mga fighters niya? Bigla akong napalingon sa mga kasama ko, nakita ko na tumayo ang isa sa kasama namin. Helga pala ang pangalan niya.
"E-eveth, lalaban siya ngayon? Ka-kahit biglaan lang?" halos pabulong lang ang tanong ko, pero dahil sa katabi ko si Eveth narinig niya naman.
"Oo, puwedeng mangyari 'yan kapag bitin sila sa laro. Biglaan ka nilang isasalang kaya dapat lagi kang handa," paliwanag ni Eveth.
"Pero, parang hindi ko naman kayo nakitaan ng pagsasanay para gumaling sa pakikipaglaban?" Tanong ko pa ulit, pero tumawa si Eveth. Kaya naman nagtataka ako.
"Alam mo, Jessy. Tayong mga fighters ng mga boss natin, hindi kailangan ng magaling dito. Dahil karamihan ng lumalaban dito walang training na nagaganap, kasi nga mga laruan lang nila tayo. Ang kailangan mo lang manatiling buhay at mai-panalo mo ang laban." muling paliwanag ni Eveth.
Naguguluhan ako sa sinabi ni Eveth, napatingin muli ako sa gitna nandun na si Helga pati 'yung isang babae. Sa itsura pa lang nang kalaban ni Helga mukhang atat na atat na siyang makasagupa ito.
"Alam niyo naman ang rules dito, paunahan sa gamit na puwede ninyong maging weapon para manalo. Pero siguraduhin niyo lang kapag sinabi ng boss niyo na patayin o buhayin niyo ang kalaban 'ay pakikinggan ninyo, dahil kung hindi alam niyo na ang mangyayari sa inyo." Paliwanag ng announcer.
Matapos kong marinig ang paliwanag ng lalaking announcer napayako ako, dahil parang ayokong panoorin.
"Kailangan mo 'yang mapanood, kung hindi mamatay ka ng walang laban," bigkas ni Danica na nakangisi.
Napalingon naman ako banda sa may dulo kung saan nakaupo si Danica. Nakatingin siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil kinapitan ako ni Eveth sa balikat.
"Kailangan mong panoorin 'yan Jessy, dahil baka isang araw biglaan kang isalang." muling salita ni Eveth.
Natigilan naman ako at medyo kinabahan sa mga mangyayari, hindi sa natatakot ako dahil sanay naman akong lumaban noong panahon na nasa kalye lang ako. Pero hindi pa ako nakakapatay.
Hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na upang simulan ang laban. Pinanood ko sila, una nag-iikutan silang dalawa sa isa't- isa habang nakangisi kay Helga ang kalaban niya. Mukhang parehong sanay na sanay na sila sa laban dahil sa mga kilos nila.
Nakita kong biglang sumugod nang sipa kay Helga itong isa pero mabilis na nakaiwas si Helga. Umatras si Helga at binigyan niya ng ubod na lakas na suntok ang kalaban niya, tinamaan ito sa sikmura, pero mukhang balewala lang sa kalaban niya dahil hindi niya ito ininda.
"Mga manonood, nakita niyo nag-uumpisa ng uminit ang laban, may mamatay na naman kaya ngayon?" natatawang wika nang announcer.
Naasar ako sinabi nito dahil parang balewala lang sa kanila kapag may namamatay. Napansin ko na parang may nakatingin sa akin, napaangat ang ulo ko sa itaas at nagsalubong muli ang paningin namin ni boss. Pero wala manlang akong nakitaan o kababakasan ng kahit na anong emosyon sa kanyang mukha.
"Ang ating mga bigatin na panauhin, maaari na kayong pumasta ngayon." muling salita ng announcer.
Napatingin muli ako sa itaas dahil may pustahan pala sabagay hindi na ako magtataka.
"Isang milyon sa buhay." pusta ng may pagka-koreano na lalaki na may edad na at nakasalamin.
"Tatlong milyon para sa alaga ko na si Sherca," salita naman 'nung isang mataba na lalaki, siya pala ang nagmamay-ari sa kalaban ni Helga.
"Limang milyon, kay Helga." salita ni boss na kinagulat ko.
Natulala ako sa pusta ni Mr. Smith ang boss namin ang laki.
"Wow, mukhang kampante kayo Mr. Smith na mananalo kayo ngayon," natatawang wika muli ng announcer pero hindi manlang sumagot ito.
"Two milyon para sa pagpatay sa alaga ni Mr. Smith." nakangising sagot naman ng payat na intsik katabi ang boss ni Sherca.
Nakaramdam ako ng kilabot sa isipin na mamatay si Helga.
Hindi ko na napansin ang laban, sa muling paglingon ko sa gitna duguan na ang dalawa. Dumudugo na ang gilid ng bibig ni Helga, habang may dugo naman si Sherca sa gilid nang noo.
"Kill! Kill! Kill!"
"Kill! Kill! Kill!"
Sigaw nang lahat na nandito at mas lalong lumalakas ang t***k ng puso ko ng hagisan sila nang mga gamit sa loob nang ring. Isang silver na baril at isang samurai na nangingitab pa ang dulo nito lalo na kapag natatamaan ng liwanag ng ilaw.
Halos hindi kumurap ang mata ko sa pag-aagawan ng dalawa sa silver na baril. Bakit kailangan nilang mag-agawan sa isang baril? Katulad na lang ng samurai na malapit sa kinaroroonan ni Helga, makuha man ni Sherca ang baril ikakasa niya pa ito. Pero kung mabilis si Helga kumilos at madampot niya agad ang samurai dahil mas malapit ito sa kanya, bago pa maiputok ni Sherca ang baril nakalapit na siya dito.
Nagpambuno silang dalawa sa gitna ng ring at nagpagulong-gulong kung saan-saan, habang nagpipilit na maagaw ang baril sa isa't isa. Nakadagan si Sherca sa katawan ni Helga habang ang isang kamay ni Sherca 'ay walang ginawa kundi ang pagsusuntukin sa tagiliran si Helga.
Mukhang malakas ang pangangatawan ni Sherca kasi kahit isang kamay lang ang nakahawak sa baril na pinag-aagawa nila hindi nito nagawang bumitaw doon.
"Kaya mo 'yan Helga!" sambit ni Eveth.
Napalingon naman ako kay Eveth dahil sa kanyang binigkas titig na titig siya sa dalawa. Binaling ko muli ang aking mata sa dalawa, dito tumalsik ang baril sa dulo nabitawan nila ito pareho. Mabilis na sinipa ni Helga si Sherca tinamaan ito sa tiyan kaya napahiga ito. Mabilis ang kilos na tumayo si Helga at dali-dali niyang pinuntahan ang baril sa may gilid. Nagsisigawan naman ang mga manonood ngayon dito, lahat sila sinisigaw ang pangalan nang dalawa.
Nakabawi agad si Sherca at tumayo ito ngunit nadampot na ni Helga ang baril tinutok niya agad ito 'kay Sherca. Nakangisi pa si Helga dahil alam niya na panalo na siya sa laban na to. Namutla si Sherca dahil sa baril na nakatutok sa kanya ngayon.
Tumingala si Helga sa itaas at ganun rin ako, sumenyas ang boss namin na patayin kaya ngumiti si Helga.
"Kill! Kill! Kill!"
"Kill! Kill! Kill!"
Sigaw muli ng lahat nang mga nandirito ngayon, kinakabahan ako sa mangyayari. Papatayin kaya talaga ni Helga si Sherca? Pero sabi nga kanina kailangan mo sundin. Pigil ang hiningang tutok na tutok ako at ganun na lang ang lakas ng t***k ng puso ko at pagkatahimik nang lahat dahil sa nangyari.
Ilang ulit nang kinakalabit ni Helga ang gantilyo ng baril pero hindi ito pumuputok. Sandali? Walang bala ang baril?
"s**t! Naisahan na naman sila ng gumawa nito," napamurang sambit ni Danica.
Ang sama nang tingin ni Danica 'kay Sherca.
Dito ngumisi si Sherca at tumakbo nang mabilis papunta sa natutulalang si Helga, dinamba niya ito kaya napahiga sila pareho. Nasa ibabaw ng katawan ni Helga ngayon si Sherca, sakal-sakal niya ang leeg nito kita ko sa ugat sa braso ni Sherca ang lakas ng pagkakahawak niya dito.
Pilit namang inaabot ni Helga ang mukha nito, hanggang sa mapansin ko na nasa malapit lang pala nila ang samurai. Huli na para ipanalangin ko na huwag mapansin ito ni Sherca, sa pamamagitan ng isa niyang paa naabot nito ang samurai. Saglit na nabitawan niya si Helga, habol ang hininga ni Helga habang pilit na gumagapang palayo.
Napayuko ako pero muli rin akong umangat ng tingin sa kanila, nakita ko na dakmain sa buhok si Helga ni Sherca, iningat nito ang ulo ni Helga paitaas sa mga tao habang nakadagan sa likuran nito. Inilapit nito ang matalim na dulo ng samurai sa leeg ni Helga habang nakangisi ito.
"Kill! Kill! Kill!"
"Kill! Kill! Kill!"
Nag-umpisa na namang mag-ingay dito at paulit-ulit ang sinasabi nila. Naiiling naman ang mga kasama ko, ako naman natatakot ako sa puwedeng mangyari kay Helga. Napansin ko na tumingala si Sherca banda sa itaas kung saan nakaupo ang mga boss at ang mga pumupusta. Sumenyas ang amo niya na hayaan na lang mabuhay si Helga, dito ako nakahinga ako pero mukhang dismayado si Sherca kaya pinagsusuntok pa niya si Helga sa likod kung hindi pa siya inawat ng lalaki na pumasok sa loob malamang hindi niya titigilan si Helga.
"f**k you! b***h!" sigaw naman ng isa namin na kasama ito 'yung laging kasama ni Helga.
Hindi ko pa alam ang pangalan niya. Sumenyas naman sa ere si Sherca nang f**k you sign habang nakangisi.
Matapos ang laban nandito na kami ulit sa loob ng sa sakyan, tahimik kaming lahat. Bago kami naglabasan lahat nakita ko na kinausap si Helga nang seryoso ni boss at hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanya.
Hanggang sa bahay tahimik kaming nagpasukan sa loob, si Helga dahan-dahan na umakyat sa hagdan marahil magpapahinga siya. Si Danica naman mula sa pagkakaupo sa sopa tumayo siya at nagpunta sa may kusina. Naiwan kaming tatlo dito sa sopa at nagpa-pakiramdaman.
Mukhang walang balak magsalita ang isa sa kanila. "Ganun lang ba 'yun? Tapos ano na ang susunod na mangyayari?" basag ko sa katahimikan namin.
"Sa tingin ko sarap ang pinili ni Helga." sagot ni Eveth, ito namang isa tahimik lang at alam kong malungkot siya.
"G-ganun ba? Saan mangyayari ang sinasabi mo?" tanong ko muli, pero hindi na nasagot ni Eveth ang tanong ko dahil biglang may sasakyan dumating.
"Nandiyan na sila," mahinang sambit ni Eveth.
Kilala niya ang dumating? Sunod-sunod na nagpasukan ang mga lalaki nasa lima sila, tatlong malalaking katawan at dalawang tama lang ang sukat ng taas nila. Sa itsura nila nakakatakot na dahil lahat sila may mga tattoo sa katawan.
"Nandun na siya sa kanyang kwarto," sagot ni Eveth na sa ibang direksyon.
Mga nakangisi sila habang naglalakad sinulyapan pa ako nang naunang lalaki paakyat sa hagdan.
"Hindi na ako makapag-hintay na matikman ka." kinilabutan naman ako sa binulong nang isang lalaki sa akin.
Nagmamadali na umakyat na sila sa taas. Kanya-kanyang tayuan naman silang dalawa, si Eveth nagpunta sa labas ng bahay, samantala itong isa nagpunta sa kitchen kung saan nandoon si Danica.
Naiwan akong mag-isa hanggang sa bigla akong mapalingon sa itaas, dahil sa naririnig ko na tawanan at hiyawan. Pati na ang nakabibinging iyak ni Helga napapikit na lang ako sa narinig ko.
+++++++++
Black_Moon301