Ilang kakilala na ang tinawagan ko upang kontakin kung sakaling may alam silang pwede kong upahan. Pero kung may alam man sila maliit o kaya naman ay hindi maganda ang pwesto nito. Meron ding sobrang taas ng rental fee. Nanlulumong napasandal ako sa upuan ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip kung papaano kami makakahanap ng bagong lugar na uupahan. Biglang bumukas ang pinto at niluwa noon si Margarita na may dalang tray ng pagkain. “Mag-lunch ka muna. Kumain ka muna ng magkalaman iyang tiyan mo. Alam kong busy kang masyado pero h'wag magpaka-stress na masyado at huwaf mo ring kalimutang kumain sa tamang oras. Baka mamaya magkasakit ka naman.” Inilapag nito ang dalang pagkain sa mesa ko. Tumingin ako sa relo ko. Ala una na pala ng hapon. Hindi ko namalayan dahil sobrang abala ko. Tu