Napakunot ang noo ko ng makitang wala pa ang kambal sa lugar kung saan sila langing naghihintay sa akin kapag sinusundo ko sila. Kukunti na ang mga estudyante at alam kong uwian na. Medyo natagalan lang akong sunduin sila kanina dahil abala ako sa paghahanap ng bagong rental space, nag-ikot ikot pa kasi ako pero wala naman akong nahanap. Lumapit ako sa guard. “Manong kilala n'yo po ba iyong kambal na laging naghihintay doon sa bench? Napansin n'yo po ba?” nag-aalalang tanong ko. Kilala ko ang kambal hindi umaalis ang dalawang iyon hanggat hindi ako dunarating. Kaya hindi ako mapakali ngayon na hindi ko sila nadatnan. Wala naman akong inaasahang iba na magsusundo sa kanila. “Opo, ma'am. Iyong kambal na englisero. Sinundo na po sila ng asawa n'yo.” Bigla akong nabingi at nanlambot ang