GEN’S POV
"DAMN! Gen!You're so effin' hot!" Bulalas ni Maddie nang lumabas ako mula sa banyo ng kwartong tinuuluyan namin sa dorm or staff house ng palasyo.
Para itong teenager na nakita ang crush, ilang beses nitong sinipat ako ng tingin mulo ulo hanggang paa at pabalik.Bigla tuloy akong nailang. Masyado yatang revealing ang suot ko pero wala na 'kong ibang damit na pwedeng isuot na bagay sa pupuntahan namin ngayong gabi.Ayoko namang magmukhang manang habang ang mga kasama ko'y parang mga celebrity ang dating.
No can do. Never.
Isinuot ko kasi ang black velvet ruched dress na binili ko last Christmas. Umabot lang sa mid thigh ko ang haba niyon at ang neckline ay cowl style kaya medyo nakikita ang clevavage kong ipinilit ko talaga.I'm not gifted in that department, unlike Donna. But since the dress is bodycon, it complements and accentuates my curves, hugging my body like a second skin.
To finish the alluring look, I decided to tie my hair into a classic sleek ponytail and put on the hoop earrings that Olive lend to me.
Perfect. Ready na kong sumayaw at mag walwal ng slight.
"Thanks.You look ravishing too, Maddie," nakangiting ganti ko sa kanya at pinasadahan ang suot ng dalaga. Bagay na bagay dito ang suot na silver body hugging party dress, lalong na emphasize ang curves nito.
"Nope, mas hot ka. Mas mukha 'kong tempura," biro nito at sinundan ng tawa.
Isa yun sa gusto ko kay Maddie ang kanyang sense of humor nito. Aminado daw kasi ito na 'hipon' ito yung maganda ang body pero ang face normal lang.Madalas ko ngang sabihan na maganda siya, ayaw lang maniwala sa 'min ni Donna. Friend daw kasi namin siya kaya lang namin sinasabi yun.
"Girls, tara na.Nag aantay na sila Kenneth sa parking lot," it was Donna. Nakasilip ito sa pintuan ng room namin. Kanina pa kasi ito tapos mag ayos, kasabay ni Olive ang isa pa naming roommate.
Bawat room ng dorm style staff house or building na nakalaan para sa 'min, apat ang dapat na umukopa. Ganang alam ng HR na close kami ni Donna at mula sa iisang department, they decided na hayaan kaming magkasama sa iisang silid. They just added Maddie and Olive in the picture. Ayos namang kasama ang mga ito. Sa loob ng mahigit isang linggo na pananatili namin sa loob ng palasyo, masasabi kong mabait at madaling pakisamahan ang dalawa.
Kalog at nagkakasundo kami sa mga bagay-bagay tulad ng pagkahilig sa kape at Kdrama.
"Masyado mo namang ginalingan Gen," nakakalokong ani Donna at sinabayan pa ng pagsipol.
Very unladylike! I rolled my eyes at her banter.
"Don't me, bakla? 2 oras ka daw nag ayos sabi ni Maddie. Sino ba kasi ang type mo sa Comms?" taas kilay na sagot ko sa kanya habang sinisipat ang ayos n'ya.
Nakasuot ito ng black faux leather na jeans na bumagay nang labis rito dahil sadyang bilugan at may kalaparan ang balakang nito. At ang pang-itaas niya'y isang black sequin bandeau top ito with mathcing killer heels. She's exuding sexiness and beauty, fudge!
" As if, asa ka. Normal na pang tulog ko lang talaga 'to. Parang di mo naman ako knows, Gen," she flipped her hair. "Kalma, ako lang 'to."
I chuckled in her attempt to mimic Chardii's fave expression. Nauna na itong naglakad habang nakasunod kami ni Maddie. Matapos siguraduhing nai-lock namin ang silid, sabay-sabay kaming nagtungo sa maluwag na parking lot kung saan nag a-antay ang iba naming mga workmates.
May isang linggong mahigit na din ang nakakaraan simula ng pumutok ang scandal nila Prince Lazlo and with the collaborative effort of all the departments, the issue began to die down. Kaya nga sa tuwa ng head ng Communications and Information Centre ay may department dinner treat ito sa 'min kasama ang ilang mga taga PR department peeps.
At first, may mga nag-suggest ng karaoke but since 75% of our department ay mga Millenials nanalo ang clubbing. Landslide. Kaya heto kami ngayon papunta sa upscale neighborhood ng Extramuros to celebrate our little victory. Welcome party na rin daw ito sa aming mga baguhan.
"Wow! Nasa heaven na ba 'ko?"
"Ken, please. Masusunog ang langit kapag umapak kaming apat doon," nakasimangot na bara ni Maddie sa pinsan.
"Then by all means...let me burn with you."
Sabay-saay kaming natawa sa sinabi nito. Tinukso rin ang lalake ng ilang mga kaibigan at kadepartamento.
"Corny mo, dude," it was Jeff.
"Sibat na tayo. Alak na alak na 'ko eh," ani Gil.
"Lezzgo!"
Hawak ang aking black purse sa kanan ay magka angkla kaming nag lakad ni Donna patungong kotse ni Kenneth habang si Olive ay sumabay kina Jeff. Malapit lang naman ang pupuntahan namin, pwedeng lakarin kaso sa ayos at sa taas ng heels naming mga girls sumpa iyon. Kaya heto't karay-karay kami ng mga boys papuntang d Pub. Isa iyong posh at go-to tambayan ng mga gaya naming working people.
"I thought sa d Pub?ba't andito tayo?" nagatatakang tanong ko kay Maddie nang makitang iba nag tinatahak naming daan.
"Nag change ng venue last minute lang nag sabi sa GC. Forgot to update you," sagot nito habang inaayos ang laylayan ng suot na dress na umangat nang bahagya dahil sa pag kakaupo sa passenger seat.
"Gen, upsacle 'yung ipinalit. Naku ang daming budget nila Sir Rowan. Imagine from d Pub to MinX."
My mouth formed a small O upon hearing Donna's comment. What an upgrade!
"Wow bongga! Napakamahal doon, di ba? Baka kahit tap water nila katumbas na ng pagkain ko whole day."
"Yes pero ayos lang kasi ang balita ko nag bigay daw ang Office of the Crown Prince parang treat na din sa tin," sagot ni Kenneth na busy sa manibela.
"Ang bait naman ni Prince Liam. Gen-nerous!"Nakakalokong sabi ni Donna sa kaliwa ko. Pasimple kong kinurot ang gaga.
"Shut up, Dons," ngali-ngaling batukan ko ito kung di lang magagalit dahil sa magugulo ko ang buhok na pinag hirapang ayusin ng ilang oras.
Until now, hindi pa rin siya maka move on sa mga encounters namin ng crown prince. Panay ang sabi nito na fate daw iyon. Kesyo malakas daw ang pakiramdam nito,na naaalala ako ng mahal na prinsipe at may 'something' or 'connection' daw kami ng prinsipe.
Natutorete na ko.
Simula kasi nang ma-assign ako as one of the crisis management member ng Project Trailblazer 'di ko na mabilang sa daliri kung ilang beses kaming nagkasalubong at nakulong sa iisang opisina ni Kamahalan. With my officemates and his royal guards, of course.
Pauli-ulit na sinabi ko na ditong sa loob ng halos isang linggo, brief lang ang interactions ko sa mahal na prinsipe. Swerte na ngang masasabi na nakausap ko si Prince Liam during our presentation if saying 'Yes, Your Highness' is counted as a decent conversation.
But those incidents made my skin tingle, my face flushed and my heart...the traitor, was doing sommersaults inside my chest kapag nakikita kahit ang dulo pa lang ng buhok ni Prince Liam.
Ganoon na nag-evolve ang simpleng fascination ko para sa prinsipe at ang pagdagdag ni Donna ay hindi nakakatulong. Sino ba 'ko para pansinin noon, hindi ba? Happy na 'ko sa mga stolen glances ko. Mahuli man ako, 'di ako makukulong. Napangiti ako sa naisip.
Sa mga panakaw na tingin kong iyon na-master ang art of deadma-tology and deadpan look. Everytime na mahuhuli ako nitong nakatingin at nakatulala or rather eye f*****g him, I will slowly turn my gaze away from at patay malisya ko. Nagkukunwaring may ginagawa.
"You can never change my mind. Naiinspire pa naman ako dahil sa mga nangyayari sa life mo. Sa sobrang kilig ko, gusto kitang palamunin ng watusi."
Natawa ko nang malakas sa sinabi nito. Umandar na naman ang kamaliditaha nito at ang pagiging bitter nito. Ewan ko ba sa best friend kong 'to. Weird. Romance at puro nakakakilig na eksena nag sinusulat pero sa totoong buhay mapait pa sa ampalaya ang pananaw sa love.
"Nakaka inggit ang love-hate relationship n'yong dalawa, Donna," sabat ni Kenneth. "Don't worry, Gen. Isusugod kita sa infirmary 'pag nagkataon."
"Asahan ko 'yan."
Sabay-sabay kaming natawang apat. Ilang saglit pa'y nakatayo na kami sa labas ng isa sa prominenteng bar sa Manila. Mahaba nag pila papasok ng bar at kailangan naming pumila't magpakita ng credentials bago makapasok. Wala tuloy kaming magawa kung hindi ang mag tsismisan habang nasa pila.
"Last night, nakita raw na puma-party dito si Onze at Colton Torrevillas! Sayang 'di natin inabot."
"Olive, mga bata pa 'yon. Doon tayo kina Otto at Seven. Oh my, G!" Kilig na kilig na tili ni Sam.
"Sam, I hate to break it to you but Seven's taken. Hindi pa formal na ipinapakilala ang bride n'ya pero malakas na ang balitang kasal na ang panganay na Torrevillas."
Nalaglag ang balikat ng kasamahan namin pero mabilis din itong nakabawi.
"Ayos lang, may apat pa naman."
"That's the spirit, girl," biro ko dito.
"Pero sino kayang maswerteng babeng 'yon? Anong pinainom na gatas sa kanya noong baby pa s'ya? Ba't ang swerte n'ya?" Himutok naman ni Donna. "Si Siete pa naman ang bet ko sa magkakapatid. Big, brooding and very bad. Rawr!"
"Sure kayong gatas? Baka am," ani Maddie na labis naming ikinatawa.
"Ladies, tama na please. Nasasaktan na kami. Kami ang narito, iba hinahanap n'yo," singit ni Gil at umakbay kay Olive.
"Tse! Tara na nga, girls," nakasimangot na nagpatiuna na ang dalaga na sinundan ng kakamot-kamot na si Gil.
After showing our IDs, we're ushered inside the lobby and inside the opulent space that was now filled with dancing bodies and flowing with booze.
Sinalubong kami ng malakas ng music na galing sa mga sophisticated sound system na nakakalat sa lugar. Sa bandang gitna ay may DJ habang halos mapuno na ang dance floor ng mga taong abala sa pag-giling. I have to admit I'm impress with the interior of the place. It screams money and command luxury.
The top floor where the VIP pool club is located in one of the fave places by the who's who in the country. Exclusive lang iyon para sa mga VIP members at sa nabasa ko kanina'y may sariling daan ang mga iyon bukod pa sa sariling parking space. The club owners basically emphasize that there's a social hierarchy present here.
"Grabe ang ganda nga dito," sabi ni Donna na kagaya ko ay labis ring namamangha din sa lugar. "May party pool daw 'to pero sa taas and for the VIPs."
" Yeah. I've read that in a blog. For skinny dipping siguro," bulong ko sa kanya at sabay pa kaming tumawa.
"Girls, let us go," sigaw ni Maddie sa may unahan habang kumakaway sa gawi namin.
Agad kaming sumunod ni Donna dito at nag punta sa isa sa mga rooms sa second floor. May reserved room for our department at 'yun daw ang pinakamalaking party room dito sa club. Since we're almost twenty who'll be attending tonight's team dinner party, pati ang kabilang silid ay inokopa na din namin.
We were all settled after afew minutes. The two combined rooms was enormous, kahit yata singkwenta katao'y kakasya dito. Madaming nagkalat na mga couches sa silid at sa isang side naroon at naka-hang ang malaking TV monitor. Kung may gustomg mag videoke, pwede.
We decided to ditch the idea. Nagkasaya ko sa pag-upo sa isa sa magagarang sectioal couches na nakaharap sa dingding na yari sa makpal na fiber glass. Kita ko mula roon ang dance floor sa ibaba. Sa 'di kalayuan may isang mahabang bar kung saan ay nakita kong may tatlong bartenders ang abala sa paggawa ng mga drinks namin.
Maya-maya pa'y panay na kami tawanan at kulitan.Ilang beses na rin kaming nag kaayaan na sumayaw nila Donna sa ibaba. Kahit pwede naman kaming sumayaw sa loob ng silid na kinaroroonan namin, we still choose to went down. Mas enjoy makipag siksikan sa ibaba, mas feel mo ang vibe.
"Are you going home tomorrow?"
"Sorry?" Sigaw ko kay Kenneth at inilapit ang bibig sa kaliwang tainga nito. Masyadong malakas ang sound system sa paligid kaya kahit kaharap ko lang ang binata 'di ko maintindihan ang tanong nito.
"Kako, uuwi ka ba bukas?"
"Yes. Nami-miss ko na nag parents ko. Solo kid problem, you know."
We're allowed to go out of the palace during weekends. Kaya sasamantalahin ko ang pagkakataon, uuwi ako sa bahay namin.
"Can't relate. Ang sipag ng parents ko eh. Muntik gumawa ng basketball team," nakangising ani Kenneth habang hawak ang bewang ko.
Natawa ko nang malakas sa sinabi nito.
"You feel me, right?" Singit ni Donna na may hawak na baso sa kanang kamay. "Swerte nitong si Gen, hindi n'ya naranasang makipag agawan ng pagkain at toys."
"Hey. Madami ding cons ang pagiging solong anak baka akala n'yo."
"Ano aber?"
"Wala kong kapalitan sa paghuhugas ng plato. Ako lang lahat!"
"Point taken," nakangising ani Kenneth.
Hindi ko alam kung sa sobrang tuwa ba, pero bigla nitong marahang hianpalos ang pisngi ko. Natigilan ako't nagkatitigan kami. Si Donna ang unang nakabawi, my friend cleared her throat and Kenneth withdraws his hand.
I shook my head. Napahawak ako sa batok ko nang wala sa oras dahil biglang tumayo ang mga balahibo ko. It's the odd feeling I got when someone's watching me.
"Powder room lang ako," paalam ko't iniwan silang dalawa sa gitna ng dance floor.
Hanggang sa makapasok ako sa loob ng restroom ay ganoon ap rin ang pakiramdam ko. Naka ilang shots na din kasi ako ng tequila na pilit na pinaiinom nila Steve sa 'ming mga girls. Baka dala lang ito ng alak.
I don't want to attribute this to Kenneth's sudden show of affection towards me. Mabait ang binata pero may mga bagay o linya na 'di ko kayang tawirin. Isa na doon ang lumagpas sa friendhip line namin ng binata.
I did my business. Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng cr at marahang nag lakad papunta sa room namin.Diretso agad ako pwesto namin nila Donna.
"Ba't ang tahimik n'yo? May dumaan bang angel na naka- wheelchair?"
"Gaga. Zip it," matalim ang matang saway ni Donna sa 'kin.
I eyes her quizically then roam my gaze around us. Even my officemates are acting weird now. Kanina parang mga party animal ang mga it, ngayon tila 'di makabasag pinggan. What happened?
"Seryoso. Anong nakain n'yo?" kinuha ko ang baso ko't napaungol nang makitang wala ng laman 'yon. "I'll get my fix."
Lumakad ako patungo sa bar dala ang baso sa kanan. Nasa dulong bahag iyon ng silid at nakaharap mismo sa glass wall mirror. Habang palapit ako,napansin kong nakatayo sina Sir Chris at Sir Rowan, kausap ang dalawa pang matangkad na lalake na parehong nakaharap ang malapad na likod sa gawi ko.
How can a mere shoulder and back be so damn hot? Likod pa lang ulam na.
Siguro sobrang gwapo ng mga mamang 'to, kung pagbabasehan nag pagpilantik ng mga pilikmata ng isa sa mga bosses ko. Ang isa sa mga ito' y natukod ang siko sa bartop table at bahagyang naka sandal doon.Dahil malaking tao, halos sakupin ng buong katawan nito ang space ng mini bar.
Nang tuluyan akong makapalpit, halos magkadikit na ang mga siko namin. From where I was standing, I can see his broad shoulder and the toned muscles of his arms. Naka tupi kasi ang baby pink dress shirt nito hanggang siko.
Alam kong naramdamaan nito ang pagpwesto ko sa likuran niya ngunit 'di man lang ito nag abalang tumingin o lumingon man lang sa 'kin. May pagkasuplado, so loob-loob ko. Okay, his lost not mine.
I decided to give my attention to the smiling bartender.
"Please take a seat," turo nito sa bakanteng stool bar sa kanan ko.
"Thanks."
"Give me a minute."
Tango lang ang sagot ko't pinanood ito sa ginagawa.
"I'm Dan, at your service. Do you want to try something new, Maam? 'Yung cocktail pero traydor," nakangiting kausap nito sa 'kin habang may hawak na shaker.
Ngumiti lang ako at puno nang pagtataka ang tinging ipinukol ko sa kanya.
"Have you heard of Adóis motherfucker?" bulong nito sa 'kin na bahaya pang tumukod sa bar para magkalapit ang mukha namin at marinig ko ang sinasabi niya.
Bigla akong natawa nang mahina. I find the name of the drink witty.
"Are you serious? Who came up with that name?"
"Some crazy, frustrated pharmacist wannabe that sucks at his job. He decided to mix alcohol instead," at kumindat pa ito sa kin. "He's bitter and brokenhearted by the way."
“May trabaho pa ba ang isang ‘to? Please tell me , he still have.”
“Meron pa. But, it’s not the alcohol that made him almost lost his job.”
“Really? E,ano?”
Lumapit ito sa tainga ko’t bumulong.
“Ang joking skills n’ya. Sadyang walang perpekto sa mundo. Kaya ko—I mean n’ya na magtimpla ng napakasarap na alak. Pero ang magbiro…nuh. Not his thing.”
Natawa ulit ako but this time mas malakas na, I like his sense of humor. I forgot that my bosses were standing few meters away from us and that there's a man standing right next to me.
"I certainly agreed to that. It’s all about the timing. Please, parinig nga. Let me be the judge.”
Kakamot-kamot sa batok na tumingin ito sa ‘kin bago kabadong itinupi ang hawak na bimpo.
“Okay. Pero, kung corny huwag mo ‘kong tapunan ng alak, ha? Wala kong dalang pamalit.”
“Promise,” taas ang kanang kamay na saad ko habang nakatingin sa kanya sa rim ng baso ko.
“Ano ‘to?” Tanong nito matapos itaas ang kaliwang kamay at igalaw iyon sa tapat ko na tila ba mga galamay ng kung anong hayup ang daliri n’ya.
I scoffed and instantly Dan grimace.
“Pusit Tapos eto…” I brought my right hand in between us, mimicking his move. “At eto…o-pusit.”
“Putcha. Ba’t alam mo?”
Ngumisi ako’t itinaas ang basong hawak.
“Tambay ako ng Morayta. Pre-requisite sa pagkuha ng diploma ang pagjo-joke.”
“Talaga?”
“Joke. Gotya! See? Timing.”
“Sample.”
I sipped the super good cocktail and squared my shoulders.
“Anong hayup ang mema?”
“Ano?”
“Lah-yun.”
Maluwag ang ngising isinagot nito sa ‘kin.
“You’re good, ha?”
“Si Gen? For what?” Nakangising singit ni Donna sa gilid ko. May hawak itong baso at base sa ayos nito, I know may tama na ‘to.
“Tinuturuan n’ya ko ng mga matinding pick up lines and jokes, Maam,” magalang na sagot ng binata sabay abot sa baso ng kaibigan ko. “What are you having?”
“Inggetera ko. I’ll have what she’s drinking,” umupo ito sa bakanteng upuan gawing kanan ko. “Sali ko. Battle of the corny ito.”
“Shoot. Cheers,” I said then we both giggled. “Ikaw ang una.”
“Anong tawag sa anak ng taong grasa?”
I looked at her, bored.
“Ano?” Sabay na tanong namin ni Dan.
“Baby oil.”
Natawa nang malakas si Dan. Ako? I tried noot to laugh.
“Hype ka. Dad joke na dad joke, ah.”
Nagkibit-balikat ito sabay apir kay Dan.
“Your turn.”
Saglit akong nag-isip. “Anong tawag sa cake na may ubo?”
“Ano?”
“Cough-cake.”
“Namo ka,” nakasimangot na ani Donna habang tawa nang tawa si Dan sa loob ng bar.
“Aminin mo na kasi, bakla. Mas magaling ako sa’yo.”
“Tse! Anong tawag sa pusang nakikipag patintero sa mga cars sa gitna ng EDSA?”
“Gosh. Okay, fine. Ano?”
“Matapang. Ano pa bang tatawag mo don?” Mataray na sagot nito habang ‘di na makahinga sa kakatawa ang kawawang bartender sa amin ng kaibigan.
“E, anong tawag sa pusang humahabol sa pusang tumatawid sa EDSA?”
“Ano, Gen?”
Bumaling ako kay Dan at ngumisi na parang aso. “Mas matapang at mabuting kaibigan.”
“Corny mo, bakla. May tama ka na nga.”
“Look who’s talking,” inubos ko ang laman ng baso’t ibinigay iyon sa binatang bigang sumeryoso ang mukha. Siguro dahil iyon sa taong nasa likuran ko, parang narinig kong may umorder dito ng whistkey, three fingers. Neat.
Hot, I mouthed to Donna.
“Bakla, tara na,” hinila ng kaibigan ang kanang braso ko habang hawak nito ang drinks.
“Okay,” umalis ako sa kinauupuan pero bago ko umalis muli kong tinawag si Dan. “Dan, last na.”
Natigilan ito ‘t saglit na tumingin sa gawing kaliwa ko. Takot or alinlangan ba nag nakita kong nakabakas sa mukha nito?
“Sure. I’m all ears,” he shoved a glass of amber liquid maybe for the person next to me.
“Anong tawag sa hayup na bagay sa’yo?”
“Ano?”
Tumaas ang kilay ko nang marinig ang malalim na boses na iyon. Jeez. It’s freaking dipping with sexiness and sin. Huli na para mag-isip ako o mapansin ang nae-eskandalong ayos ni Dan. O ang pagsinghap ni Donna sa tabi ko.
I swirl around, put on the sultriest smile I could muster.
“COW.”
Holy cow! Si Kamahalan.
Okay. Tadhana, ikaw ang winner, napakagaling mong mag biro. Last ko na talaga ‘to, promise. Hindi ko na kailangan ng sipa ng kape para mawala ang amats ko. Sapat na ang kagwapuhan ni Prince Liam na napaka fresh sa suot na baby pink dress shirt with a whiskey on his right hand.
Oh. And that glint of amusement in his dark pools while he’s staring at my dumbfounded face.
Slowly, the corner of his mouth curved into a heart-clenching and time-stopping smile. Nalimutan ko hindi lang surname ko maging ang utang ng Pilipinas sa World Bank dahil s angiting 'yon.
“Cheers to that, Ms. Rodriguez.”
Okay. Cow, you’re my fave animal in the whole wide freaking universe! Kahit mag adios motherfucking Earth ako tonight, ayos lang. Handa na ko, Jesus.