I thought my own cruise ship vacation will be exciting dahil isang manly, dominating, gorgeous man ang naging kasama ko. Pero hindi ko akalain na darating sa buhay ko ang pagka-attract ko sa isa pang lalake. Talaga naman na natulala ako pagkakita sa lalakeng lumalapit sa amin ni Kloss at mukhang kilala siya ng aking daddy. Matamis siyang ngumiti sa akin at uminit ang aking mukha kaya umiwas ako ng tingin dahil alam kong namumula ako. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Kloss at dumikit ako sa kanya. Inakbayan niya naman ako at hinalikan niya ang aking ulo. “Jibi!” Narinig kong tawag niya. Nag-handshake silang dalawa at nag-manly hug pa. “Nandito ka pala, bakit ngayon lang kita nakita?” Tumawa naman ang lalake at tinapik nito ang balikat ni Kloss. “Nakakahiya man na sabihin, ngayon ko lan