Nakaalalay ako kay Kloss nang bumalik na kami sa aming suite. Medyo nakainom diya dahil may pa-bonfire party ang hotel malapit sa beach. Nakainom siya ng marami at tinamaan na ng alak. Pinaupo ko siya sa kama at kinuha ko ang bottled water na binili ko kanina. Binuksan ko ito at binigay ito sa kanya. Matamis naman siyang ngumiti sa akin at nagpasalamat. Nagulat na lang ako nang niyakap niya ang kanyang braso at kamay sa aking bewang tapos ay sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking tiyan. Natawa naman ako dahil sa kiliti at hinaplos haplos ko ang kanyang buhok. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan at dinampian niya ng halik ang aking tiyan. “I really, really like you, Vany,” sincere niyang sabi at natigilan naman ako. “I don’t want to end this trip with you.” Hinaplos ko naman ang