“Tara na! Tara na, Kloss, Jibi!” Excited kong sabi sa kanila habang patakbo akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Nakangiti lang naman silang sumunod sa akin at lumabas na kami ng aming suite. May dala silang malalaking backpack habang ang nag-iisang tote bag na dala ko na naglalaman ng ilang damit at essentials ay nakasukbit sa balikat ni Kloss. I am wearing a maxi summer dress, with swimsuit underneath and sandals, may beach hat ako sa aking ulo at sunshades na rin sa aking mga mata. Pareho naman silang naka-cargo shorts, floral printed button down shirt na naka-open ang lahat ng butones at may suot silang sando. Pareho din silang may cap sa ulo at rayband sa kanilang mga mata. They look cool and sexy at mainggit na kung sino man ang makakita sa amin. Actually, wala na nga akong paki