Tinignan ko ang oras nang magising ako at 7AM pa lang ng umaga. Wala na si Kloss sa aking tabi pero naririnig ko naman ang shower sa banyo. Dahan-dahan akong bumangon at medyo masakit ang aking katawan at may konting hapdi din sa aking gitna. I am still naked at nanginig ako dahil sa lamig ng aircon. May nakita akong robe na nakasabit sa isang upuan kaya kinuha ko ito at sinuot. Sa coffee table may baso ng isang tubig na may lemon at gamot sa tabi nito. Napangiti naman ako at ininom agad ito, na-touch naman ako doon. Hindi talaga ako nagkamali sa lalakeng sinamahan ko. Inubos ko ang tubig tapos ay nagtungo ako sa banyo. Binuksan ko ang pinto at sumilip doon. Nakita ko si Kloss na naliligo sa shower stall, nakatalikod siya and I see how beautiful his body is. Ang sabi niya nasa late 30s na