Pagkatapos namin na mag-brunch, lumabas kami para mag-explore muna sa barko bago ang schedule namin sa Spa. We walk around the sports deck na may sariling tennis court at golf course. Sa laki ba naman kasi ng barko, hindi ka talaga mabo-bore. Dahil wala naman gaanong tao roon, at nakatambay lang ang iba, tinuruan ako ng dalawa na maglaro ng golf. Provided na nila ang mga golf club at may mga staff doon na naga-assist sa amin. Dahil first time ko, hindi ko matira-tira ang maliit na bola at nabitawan ko pa ang aking golf club. Buti na lang at wala akong nasaktan o kaya na-damage na property kung hindi magbabayad talaga ako ng mahal. Pag nalaman ito ng Papa ko, sermon ang abot ko pag bumalik na ako sa amin. Speaking of parents, nakakausap ko naman sila pero saglit lang dahil na rin busy din