“Ma, okay lang ako.” Sabi ko sa aking ina nang tinawagan ko sila ng gabing ‘yon. Masyado kasi silang busy sa kanilang trabaho sa umaga kaya nag-decide ako na tawagan sila ngayong gabi. Nandito ako ngayon ngayon sa kwarto namin na nakaupo sa gilid ng kama habang si Kloss ay naliligo. Bumalik na rin sa kanyang suite si Jibi para maligo at magbihis dahil pupunta kami sa casino ngayong gabi. We had a very fun day again, tinuruan nila akong maglaro ng tennis at nagkaroon pa sila ng competition na dalawa. Parang nanood lang ako ng tennis tournament at marami ding tao ang nanood sa kanilang game. They were both good in playing, pero naisahan ni Jibi si Kloss at siya ang nanalo. Pero ako, hindi naman ako sa laro nag-concentrate kundi sa kanilang dalawa. At alam ko na gano’n din ang mga babaeng k