PART I: CALM BEFFORE THE STORM
CHAPTER 1
PRESENT
Tila nagmumulto siya nang yakapin ako ng nakagiginaw na hangin sa tabi ng dalampasigan. Wala na siya. Paulit-ulit kong itinatanggi pero… Wala na talaga siya.
Wala na ‘kong ginawa simula nang mawala siya kundi ang umiyak at maghinagpis sa pagkawala niya. Dahil lang sa simpleng aksidente ay may nawawalan ng mahal sa buhay. Hindi ko alam kung suwerte ko pa bang matatawag na nabuhay ako sa aksidenteng ‘yon o minalas ako dahil nawala ang lalaking mahal ko.
Siguro pareho.
Tapos na silang lahat sa paghihinagpis sa pagkawala niya ngunit heto pa rin ako nilulugmok ang sarili sa kalungkutan na parang droga. Sana buhay pa siya. Sana nandyan pa siya sa tabi ko para dantayan ngayong wasak na wasak ang puso ko.
Losing him was also losing my soul. Siya ang kaluluwa at buhay ko; ang rason kung bakit nakakaya ko pang tumawa sa kabila ng pang-araw-araw na problema. Ngayong wala na siya, ‘di ko na alam kung kaya ko pa.
Hinayaan kong tumulo ang luha sa mga mata ko at painitin ang aking mukha mula roon. Pinagmasdan ko ang kalangitan na tila bumubulong sa’kin na tumigil na at kalimutan na ang mga nangyayari. Pa’no ko makakalimutan ang lahat? Pa’no ko siya makakalimutan? Paano?
Payapa ang alon sa dagat. Umupo ako sa maputing buhanging ng alampasigan at hinayaang dampiin ng alon ang paa ko.
Nandito ako para makalimot pero dahil sa katahimikan ng resort na ‘to ay mas naalala ko siya. Pakiramdam ko ay nandyan pa rin siya. Nakatingin sa’kin at nalulungkot dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa sarili simula nang mawala siya.
Kaleo. His name was masculine. Pa-mysterious ito sa tuwing binabanggit ko ang bawat pantig ng salita niya. Ibang-iba sa halos-perpektong lalaki na nakilala at minahal ko.
He’s outgoing. Maraming ka-tropa, kaibigan, at bihirang magselos sa kagaya ko. Masuyo bago pa man ako magalit at maalaga sa tuwing nakikita niyang hindi ako okay sa dami ng schoolworks at projects noong college.
Destiny bang matatawag noong araw na nakilala ko siya. May basketball tournament noon sa school at ni-required kami ng PE teacher na manood. Ang hindi manood ay tatakbo ng sampung beses sa court. Lahat kami ay ayaw na gawin ‘yon kaya kahit na mapagalitan ng mga magulang ay pinilit naming manood.
‘Yon ang unang beses na nakita ko siya. Ngiting-ngiti habang idini-dribble ang bola at ipinapasa ‘yon sa mga kasama. Palaging pangalan niya ang naririnig ko sa tuwing may makaka-shoot. Sino ba namang hindi mapapatanong sa kanya kung sa tuwing nakaka-shoot siya ay nagkakaroon ng nakakabinging tili ang lahat ng babae sa court?
Malas ang kabilang team no’n dahil kahit maka-shoot sila ay tila walang pake ang iba maliban na lang siguro sa mga kaibigan nila na nagchi-cheer sa kanila. Pero sa team nina Kaleo, lahat sa court ay pumapalakpak at nagchi-cheer. Maski ang mga kaibigan ko na sina Shana at Astrid.
They were simping for him as well.
Akala ko wala lang ang araw na ‘yon. Naguwapuhan ako sa kanya at inisip na para lang din siya sa mga mayayaman at sikat. Sino ba naman ako para magustuhan ng sikat na gaya niya.
Pero ‘di niya lang ako ginusto. Inalagaan, pinasaya, at higit sa lahat ay minahal niya ako. Itinuring niya akong prinsesa na bawal apihin ng kung sino. He was so perfect that time.
Tila isang prinsipe siya na naduling lang sa pagtingin sa’kin. At hindik o matawag na prinsesa ang sarili ko dahil ‘di naman bagay sa’kin.
Nangarap kaming dalawa para sa’min. Tingin pa nga ni Kaleo ay ‘di sila mayaman kahit pa may coffeeshop na may pagmamay-ari ang pamilya niya. Sabi nila engineer, doktor, at abogado daw ang ideal na mapapangasawa. Parang jackpot na nga kung makapagjowa kami ng isa sa tatlong ‘yon.
But I fell for a Business Administration graduate. And I shortly lost him.
Nang mawala siya, nabasag ang lahat ng plano ko sa buhay. ‘Yong string na nagkokonekta sa’kin sa mundo ay naging hati-hati. Hindi lang lalaki ang nawala ko kundi ang mismong buhay ko.
Hindi siya nagloko. Hindi siya naging gago. Pero iniwan niya pa rin ako.
Maybe that’s how life works. May mga tao talagang mauunang mawala sa mundo. Lahat naman tayo ay hindi permanenteng mabubuhay. It’s just a matter of survival and longetivity. Pero bakit kailangan isa siya do’n sa unang mawawala.
Napalinga ako sa kaliwa ko. May lalaking nakaupo rin sa dalampasigan na kaparehas ng posisyon ko. He’s wearing hawaiaan plaid shirt at saka beach shorts. Parang higante siguro ang height niya sa oras na tumayo siya ng tuwid.
Nakatingin lang siya kung nasaan ang buwan. Wala siyang shades kaya kitang-kita ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lasing lang ba ako o ngayon lang ulit ako nakakita ng gwapo. Simula nang maging kami ni Kaleo, ‘di ko na naisip ang pagkakaiba ng gwapo at pangkaraniwan. Dahil siya ang pinakagwapong lalaki para sa’kin hanggang ngayon.
Hindi ko maialis ang tinging ko sa biceps niya at bahagyang bukas na butones ng kanyang shirt. May tama na ba ako. Kanina pa ako lumalaklak ng alak at ‘di ko mawari kung nakailan na ako.
Hindi nananakit ang ulo. Ang mga mata ko ay naka-steady sa direksyon niya. Para akong nanonood ng model sa telebisyon kung saan kinukuhanan ng picture ang mga lalaking gaya niya sa beach.
He has light and attractive features. Ibang-iba kay Kaleo na may pagka-dark and mysterious. Damn, I missed his tan skin and smiles.
Seryoso lang ang mukha no’ng lalaki. ‘Di ko alam kung natutulog ba siya nang mulat ang mga mata o talagang gano’n siya ‘pag nasa beach. Ilang lalaki na ang dumaan sa paligid pero sa kanya lang ako napatingin ng ganito. Ba’t parang nakita ko na siya dati? Ba’t parang kilala ko siya?
Hanggang sa ang ulo niya ay luminga sa direksyon ko. Nanigas ako sa posisyon ko at ‘di na nagawang kumawala pa sa nakakanerbyos niyang mga tingin. Siguro’y nagtataka siya kung bakit ang isang babaeng tulad ko ay titig na titig sa kanya.
Baka iniisip na niya na naglalaway ako sa kanya. Hell no! Kamamatay lang ng boyfriend at hinding-hindi ako maglalaway sa ibang lalaki.
It felt like cheating on him. No, it’s really cheating!
“May problema ba?” tanong niya na naging dahilan para bumalik ako sa katinuan.