Mula ng nalaman ni Jicko ang totoo ay mas naging ganado na siya. Halos oras-oras ay dinadalaw niya ang bata kahit hanggang sa labas lang muna siya ay kontento na siya. Gaya ng hiling ni Erin na huwag munang magpakilala kay Kiara bilang ama nito. Naiintindihan naman niya iyon. Masyado pang bata si Kiara para maintindihan ang dahilan nilang pareho ni Erin. Naniniwala din naman siyang mabuting huwag biglain ang bata baka umayaw pa ito at lalong hindi siya mapapalapit sa bata. Sa kabilang banda ay naging maayos na ang lagay ng Mommy niya. Sinubukan pala nitong mag-overdose. Hindi na kasi talaga magbabago ang ama nila. Kahit anong gawin nila, kahit tanggapin nila ito ng paulit-ulit lolokohin at sasaktan pa din sila nito. Sinubukan niyang kausapin ang Mommy niya pero nagmatigas ito. Ayaw pa