Nagdaan ang mga araw mas lalong naramdaman ni Erin ang pagmamahal ni Jicko sa kaniya. Minsan nga ay naiilang pa siya kay Jicko dahil ilang taon din siyang hindi nagkaroon ng nobyo. Kaya pakiramdam niya ay bago sa kaniya ang lahat. Mula kasi noong naghiwalay sila ni Dave nakalimutan na niya ano ang pakiramdam na may nag-aalaga sa kaniya, iyong may nag-aalala kung ano ang lagay niya. Iyong mga bagay na araw-araw ginagawa ni Dave sa kaniya noon ay ngayon lang ulit niya naramdaman. Hindi siya nagsisisi na binigyan niya ng pagkakataon si Jicko. Hindi siya nagsisisi na binuksan niya muli ang puso niya para magmahal. Sabi nga nila, huwag natin sasayangin ang pagkakataon habang nandiyan pa iyong taong kaya tayong mahalin kahit walang kapalit kasi kapag dumating ang oras na mawala na sila saka m