"Erin, tara na mahuhuli tayo sa simbahan." "Nandiyan na po My," nagmamadaling aniya ni Erin sa Mommy niya. Araw ng linggo kaya magsisimba sila magpamilya. Nakaugalian na kasi iyon mula pa noon. Nang makababa ay naabutan niyang naghihintay si Dave sa labas ng sasakyan neto karga ang anak na si Danica. "Nasaan na sila Mommy?" "Nauna na sila, sumabay ka na lang daw sa'kin." "Akin na si Danica ako na magkakarga sa kaniya." agad naman binigay ni Dave ang bata. Gustong-gusto din ni Danica na siya ang magkarga dito. Tuwang-tuwa ito tuwing siya ang nagbabantay sa bata. Siguro ay iniisip ng bata na parang si Claire pa din ang kumakarga sa kaniya. Nang makarating sila sa simbahan ay halos puno na. Kaya napilitan silang tumayo nalang nagsimula na kasi ang misa pagdating nila. Hindi mapigil