"Pagpapatawad lang kasi ang paraan para mapalaya ko ang sarili ko sa sakit. Aaminin ko na noong una ay mahirap para sa'kin, sobrang hirap tanggapin na gan'on lang kadali para sayo na bitawan lahat ng kung anong meron tayo." pagpapatuloy ng pag-uusap nila. "Sorry, hindi ko sinasadyang saktan ka." Ngumiti siya kay Dave. "Kalimutan na natin iyon. Sa ngayon kailangan mo maging matatag dahil hindi ka nag-iisa nandiyan pa ang anak mo. Gawin mo siyang lakas mo sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo." "Sana nga ay kayanin ko. Hindi ko alam paano papalakihin si Danica ngayong wala na si Claire. Sobrang hirap tanggapin na sa isang iglap hindi ko na siya mahahawakan, hindi ko na siya mayayakap. Wala ng magsasabi sa'kin at magpapaalala ng mga bagay na kailangan kong gawin. Sa bahay si Claire