Araw ng sabado naisipan ni Erin na ipasyal ang anak. Matagal din na hindi ito nakaranas na mamasyal. Agad naman niyang tinawagan si Jicko. Sa kagustuhan niyang paglapitin ang mag-ama. Minabuti ni Erin na dahan-dahanin ito. Ayaw niyang biglain ang anak dahil masyado pa itong bata para maintindihan ang lahat. Napagdesisyonan nila ni Jicko na dalhin si Kiara sa probinsiya nila Jicko para makita din ng lolo at lola nito ang apo nila. Hindi gustong ipagkait ni Erin na makilala ng pamilya ni Jicko ang anak niya kasi kahit baliktarin man nila ang mundo kadugo nila si Kiara at walang makakapagpabago niyon. "Mommy sa'n punta?" nilingon niya ang anak habang papalapit sila sa sasakyan ni Jicko "Sama po siya?" tanong nito ulit nang nasa harap na sila ng sasakyan. "Good Morning Kiara," nakangitin