"Ready na ba kayo? Love yung tie mo hindi pa maayos!" Aligagang-aligaga si Celine habang inaasikaso sila Liam. "Bakit naman kase naisipan n'yong magwalwal ng todo magdamag e, alam n'yo naman na ngayon yung kasal?!"
Paano ba naman kase, ngayon na ang araw ng kasal nila Stephen at Sam pero nagawa pa ng magkakaibigan na mag bachelor party at maglasing kagabe. It's as if, wala ang mga itong balak na matuloy ang kasal. Lalo na si Stephen, especially si Stephen.
Buti na lang talaga, naisipan niyang silipin ang mga ito kanina. Abala rin kase siya sa pagme-make up at pagbibihis. Inabutan niya na lang ang mga ito na natutulog pa rin kahit halos dalawang oras na lang bago ang kasal.
"Syempre love, farewell party sa pagiging binata ni Stephen." Kakamot-kamot ulong sagot ni Liam. Hinapit nito ang bewang niya dahilan para mapayakap siya sa lalaki. "Ako kaya, kelan magpapaalam sa pagkabinata?" Bulong pa nito sa kanya.
"H'wag kang mag alala, matagal pa." ganting bulong din niya rito.
"Mommy ang tagal ni Iñigo sa bathroom, I need to pee!" Pagta-tantrums ni Brad, dahilan para matawa siya. Bahagya siyang lumayo kay Liam para makita si Brad. Kanina pa siya tinatawag na Mommy ng mga ito dahil daw wala na siyang ibang ginawa kundi asikasuhin pero sitahin din sila.
"Lipat ka sa room ko. Walang gumagamit ng banyo don." Nasa iisang suite lang sila pero may separate siyang kwarto na para sana sa kanilang dalawa ni Liam ngunit hindi ito tumabi sa kanya kagabe sa sobrang kalasingan.
"You want me to run outside butt-naked?" Exaggerated pa nitong tanong. Technically hindi naman butt naked si Brad, pero sobrang nipis ng tela nung suot nitong brief na see through sa may likuran. Hindi naman siya naiilang sa mga ito. Nakita niya na ang anim in their almost naked form at wala siyang makapang malisya. Even Louie. Kaya nga hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyanv nagka interes ng todo sa lalaki. Ito din ang dahilan kung bakit inggit na inggit sa kanya ang mga babae sa Sta. Catalina e. No one gets this close to Zeus's child. Only her. And she's their Aphrodite.
"Ogag, 'di ka naman lalabas. Buksan mo lang yang pintuan sa gilid, kwarto na namin ni Mommy 'yan." Naiiling na sabi ni Liam. Siniko siya ni Celine sa tagiliran kaya naman hinila siya nito payakap sa kanya. "Pero andun ata si Louie, tignan mo baka tapos na din 'yon."
Celine's heart skipped a beat upon hearing Louie's name. Speaking of Louie, walang nagbago sa kanilang dalawa. Para pa rin silang nagtataguan pagkatapos magpalingas ng apoy.
"Ayaw ko, napaka arte nung kupal na 'yon akala mo naman malaki etits!" Biglang nanakbo si Brad papunta sa likod ni Celine matapos bumukas yung pintuan at iluwa nun si Louie. Suot na nito ang itim niyang pantalon ngunit wala siyang pang itaas. But that doesn't stop Celine from imagining what he's hiding inside his pants. She saw it. Many times already. At iyon ang naging dahilan kung bakit biglang nag init ang pakiramdam niya.
"Umalis ka nga sa likod ni Celine! Balahura ka Brad," Hindi na napansin ni Celine na itinulak ni Liam si Brad papalayo sa likuran niya. Her eyes too focused on Louie's movement. Hindi siya pinapansin o tinitignan man lamang ng lalaki. Louie is too focused on wearing his white polo shirt, on fixing his tie and he's trying his best to ignore her.
"-Di ba, Love?"
"H-huh? Ah.. Oo," hindi niya narinig ang sinasabi ni Liam pero sumang ayon na lang siya. Nag iwas siya ng tingin sa lalaki kaya nakita niyang nakataas ang kilay ni Iñigo habang nakatingin sa kanya. Umiling pa ito ng bahagya bago lumabas ng tuluyan sa banyo.
"Oh, tapos na din si Iñigo, tig-isa na kayo ni Toby ng banyo."
"Sabay kami ni Stephen. Magpapahilod ako ng likod e." Nakaingos na sabi ni Brad bago nito hilahin patayo ang tila walang ganang si Stephen.
"Hilod lang ha, walang espadahan!" Pang aasar sa kanila ni Liam. Magkasabay pa si Brad at si Stephen na pakyuhin si Liam na ikinatawa nito ng husto. Si Liam nga lang ang masaya sa kanilang lahat e. Hindi nito nararamdaman yung tensyon sa pagitan nilang tatlo ni Iñigo at Louie.
Ganun pa rin naman kase si Iñigo, nagmamasid lang. Alam ni Celine na alam nito ang tungkol sa ginagawa nila ni Louie pero hindi ito nakikialam. It's not his story to tell, ika nga nito.
Naupo si Celine sa couch habang hinihintay niya ang mga lalaki. She fixed her make up too, iilan lang naman silang aattend sa kasal. Iilan nga lang din ang may alam na ikakasal sila Stephen at Sam dahil ayaw din ng mga ito na mapag usapan sila at mabawasan ang popularity ni Samantha.
While she's browsing on her phone, nakita niyang may nagpop up na message galing kay Elena, her friend and Stephen's ex fling. Nangangamusta ito at hindi alam ni Celine kung sasabihin niya ba sa kaibigan na ikakasal na si Stephen o hindi. Lalo pa ngayon na sinabi nitong nagdadalang tao siya at si Stephen ang ama.
'Kailangan ko nga palang makita si Lena tutal nandito na rin lang naman kame sa Vegas.' She reminded herself.
"Ooohhhh," Hindi pa nga siya nakakapag umpisang magreply kay Lena, narinig na nila ang malakas na ungol ni Brad sa kabilang kwarto. "Aaahhhhh Papi, Dahan-dahan naman! masakit!"
Natatawa si Liam na naglakad papunta sa kabilang kwarto at sinigawan sila Brad. "May baby oil d'yan, pampadulas. Hahahaha!"
Nakangiti na lang si Celine habang pinagmamasdan ang kasintahan. He's always the happy one. The unproblematic one. Ito ang pinaka mature mag-isip sa magkakaibigan at ang pinakaresponsable din. Alam ni Celine na napaka-swerte niya na nasa kanya si Liam.
And then she saw Louie, still struggling with his tie. Alanganin siyang nilapitan ito at inayos ang damit ng binata. Ramdam na ramdam ni Celine na nakatitig sa kanya si Louie. His gaze burns her, making her insides melt. She dared to look up only to see him looking at her intently so she looked down again.
Nang maayos niya ang tie nito, tinulungan niya pa si Louie na maisuot ang coat nito. Siya na din ang nagsimulang magbutones sa coat ng lalaki. Hinawakan pa ni Louie ang mga kamay niyang nasa pangalawang butones ng coat nito.
"Stop playing with fire if you can't handle the heat." Matigas na sabi nito sa kanya saka siya iniwan. She can't blame Louie if he hates her. Totoo naman kase ang sinabi nito. Nakikipaglaro siya ng apoy pero takot na takot siyang masunog. Naghahabulan silang dalawa ni Louie, naglalaro ng laban o bawi. Alam niyang binibitin niya ang lalaki. Ayaw niya kaseng gumawa ng isang bagay na alam niyang pagsisisihan niya sa huli. But can he really blame her? Siya lang ba talaga ang may kasalanan at hindi silang dalawa?
He is, afterall, the reason she's having second thoughts. The reason she's having s****l fantasies na hindi na si Liam ang bida?
Ipinilig ni Celine ang ulo niya. She can't be thinking about this things, she's already cheating with Liam, cheating on him with Louie. But she doesn't want to end things with him, and she doesn't want to end things with Louie too.
Sabi nga ni Bodjie Dasig sa kanta, 'Sana, dalawa na lang ding puso n'ya.' Para hindi na kailangang pumili pa.
-----
Louie went outside after that incident. Annoyed. Why do women have to be this complicated? Hindi niya mabasa si Celine. She wants him, but not enough to take him. She craves for him, but doesn't want to take a bite. He may be the forbidden fruit and what they're having might be wrong, but aren't forbidden and wrong things taste better?
'Kinginang buhay 'to oh!'
He stayed at the hotel lobby. Ayaw niya nang bumalik sa kwarto nila, makikita niya lang doon si Celine at si Liam na naglalandian, kakainin na naman siya ng selos. He just look around, see if anything or anyone will caught his attention enough to forget about the sexy senorita he can't own-- yet. Hindi pa rin nagbabago ang desisyon niya, kukuhanin niya si Celine, that is, kung willing na ang babae na sumugal kasama siya.
A tall, brunette European looking woman walk past him, and she's looking at him bago ito tuluyang lumapit sa receptionist sa hotel na tinutuluyan nila. She look him up, he's wearing a dark blue slacks with matching colored coat and tie. Nginisian siya nito bago kumindat at tuluyang kinausap ang receptionist.
"Hi, I have a reservation for Miss Stewart,"
Iyon ang narinig ni Louie na sinabi ng babae sa receptionist bago nito kinuha ang telepono niya at nagsalita ng tagalog.
"Hello Dad, yes I arrived safety. You can calm down now," Nakangiti pa itong tumingin sa kanya. "Pakisabi kay Mommy she doesn't need to worry na. Oo na po, I'll enjoy my vacation and I can't wait for you two to come. I need to hang up now, magche-check in na ako Dad. I love you."
When she smiled, saka lang narealize ni Louie na nakatitig siya sa babae mula pa kanina. And she knows he's looking/staring at her too.
"Excuse me Ma'am, here's your keycard. Please enjoy your stay." Nakangiting kinuha ng babae ang keycard na hawak ng receptionist at inilagay iyon sa bag niya. Hawak-hawak ang maleta, naglakad ito papalapit kay Louie.
"It's your wedding day, hindi ba dapat masaya ka? Bakit parang lamay naman ang a-atendan mo?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
"I'm not getting married, just a best man." Nakangiting tugon din niya. "And, hindi ba talaga ako mukhang foreigner kaya alam mo talagang Pinoy ako?"
"Nah." Biglang natawang sabi ng babae, " narinig kitang nagmura on my way here. Ang lutong kaya." Nahihiyang yumuko si Louie. Oo na, dalang dala siya ng emosyon niya kaya't hindi nito napansin ang mga tao sa paligid.
Malay ba naman kase niyang may makikilala siyang Pilipino sa Vegas.
"So, wedding, huh. Fancy."
"There's nothing fancy about marrying at a young age. We're supposed to be having fun, and living life to the fullest, not getting married and take full responsibilities."
"I know, weddings are funeral with cake." Natatawang sabi ng babae. "Wait, is the bride pregnant?" Naupo ito sa tabi niya matapos iayos ang maleta. "Sorry, am I being so nosy? First time ko kase makakita ng kababayan since my departure e." Apologetic na tanong nito sa kanya.
"She's not pregnant, and no, you're not nosy. Okay na din na may makausap ako habang hinihintay ko sila." Tumingin si Louie sa wristwatch niya, may thirty minutes pa sila bago pumunta sa simbahan. "Anyway, it's an arrange marriage s**t and stuff I can't understand."
"Oh, don't worry, you're not the only one who doesn't understand marriage s**t and stuff." she smiled seductively as she licked her lips. "By the way, I'm Pearl. Pearl Stewart, if you need someone to talk to, I'd be staying at room 1505. Nice to meet you."
Louie, Louie Lopez." Inabot ni Louie ang nakalahad na kamay ng babae at imbes na kamayan, dinala pa niya ang magkadaop nilang kamay sa bibig niya para halikan ito. "And nice to meet you, too."
-------