47 "Yes, Ma! I'm on my way na. Sobrang traffic lang talaga." Kausap niya ang mommy ni Celine sa telepono. Tumawag ito kanina habang nasa kalagitnaan siya ng isang importanteng meeting para sabihing manganganak na ang asawa niya at dahil hindi daw siya makontak ng kasama ni Celine sa bahay, sa mommy niya na lang ito tumawag. Naka off kase ang telepono niya habang nasa meeting kaya ang mommy na lang ni Celine ang tinawagan nito. And Celine's mom called Louie's secretary para ipaalam dito ang nangyayari. Louie immediately cancelled the meeting and he said he's sorry. Mabuti na lang talaga, naintindihan ng mga ka-meeting niya ang sitwasyon at sinabing pwede naman nilang i-schedule ulit iyon sa ibang araw. They also said their congratulations and best wishes. Wala na siyang ginawa kung hindi