41B "Napaka-gago mo naman kase papi." Kulang na lang sapakin siya ni Iñigo. He came in barging into Iñigo's apartment like he owned the place. Bukod kase sa ginambala niya ito at si Rizza sa kalagitnaan ng kanilang loving-loving, naiirita rin si Iñigo sa kanya habang kinukwento niya ang nangyari. Kung paanong sinira ni Jenny ang unang gabi nilang dalawa ni Celine bilang mag asawa. Wala na kase siyang ibang maisip na pwedeng kausapin at lalong ayaw niyang dumiretso kay Liam. Bugbog ang aabutin niya sa lalaki kapag nalaman nito ang ginawa niya kay Celine. Sa totoo lang, napag isip-isip niya, hindi lang naman si Jenny ang dapat na sisihin sa mga nangyari, may kasalanan din siya dahil hinayaan niyang mangyari 'yon, ng paulit-ulit at maraming beses. "Ano naman kaseng pumasok sa kukote mo at