22 "Ate, may bisita ka." Ikinagulat ni Celine ng sabihin 'yon nang kasambahay nila. Mula kase nung magpang-abot sina Liam at Louie ay iniwasan na niya ang magkakaibigan. Bahay eskwelahan na lang siya. Hindi na siya umaattend ng mga meetings sa student council at binigyan siya ng daddy niya ng driver na hatid-sundo sa kanya. Grounded din siya. Pero hindi na naman kailangan gawin ng parents niya 'yon dahil siya na mismo ang ayaw magtagal sa school at tila kating-kati laging umuwi. She wanted to be alone. Actually she doesn't want to be alone, but at the same time she doesn't know who to talk to. Kabuwanan na ni Lena kaya ayaw niyang sabihin dito ang mga nangyayari sa kanya. Baka mapaanak ito ng wala sa oras. "Sino?" Tanong niya. "Si Kuya pogi." Kinikilig na sagot nito. Nakalimutan ni Cel