39 Kaninang-kanina niya pa tinitignan si Jenny. Makahanap lang talaga siya ng pagkakataon ay kakausapin niya ang babae at tatanungin niya ito kung anong ginagawa niya rito, sa kasal niya. Kung saan hindi naman siya imbitado. Paano ito nakapasok ng walang invitation? 'Yon ang hindi alam at hindi maintindihan ni Louie. Ang alam niya lang ang wala dapat ang babae sa lugar na 'yon. She was sitting with his friends. Kasama na siya ngayon nila Liam sa table at ikinatatakot niya na baka sabihin nito sa mga kaibigan na may something sila dati. At sigurado siyang paniniwalaan ng mga kaibigan ang babae. Kahit papaano naman kase ay nakilala ni Jenny ang mga kaibigan niya. Her friends and his friends had a one time thing noon. Hindi niya lang alam kung one time thing lang ang nangyari sa mga kaibi