43 B "Are you okay?" Iñigo asked her. Ngayon lang sila nakapag solong dalawa kaya ngayon lang siya nakausap ng kaibigan. Abala kase ang iba sa garden at nasa loob ng bahay si Celine para magpahinga saglit matapos nilang mag usap ni Samantha. Nagpaiwan siya sa loob dahil bigla rin kase siyang nahilo sa sobrang init. "I guess.." Tipid niyang sagot. Nginitian niya ang kaibigan na naupo sa tabi niya. Celine and the boys are close, pero bukod kay Liam, si Iñigo talaga ang pinaka takbuhan niya. Dahil na rin siguro iyon sa fact na si Iñigo ang unang nakaalam ng relasyon nilang dalawa ni Louie and he's a good friend too. He understands the situation enough to let them deal with their problems. Hindi ito nagkwento kay Liam at lalong hindi sila nito pinangunahan, hindi rin ito umiimik kahit napans