When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Late na akong nagising. Nakatulog akong muli pagkatapos kong tapusin ang mga kailangan kong ipasa mamaya. Nagmadali na akong maligo at nagbihis. Lumabas na ako ng kwarto at diretso sa dining. Nandoon si Ate Yolly at malungkot ang mukha nito. “Good morning, Ate! Bakit parang hindi good ang morning?” tanong ko kay Ate. “E, paano hindi kumain si Sir Hector. Nagmamadali pang umalis, may maagap daw siyang meeting.” Malungkot na sagot ni Ate Yolly. “Niluto mo po ba yung hamonadong manok?” tanong ko kay Ate. Tinuruan ko siya kung paano lutuin, Madali lang naman dahil yung sinangkutsa ko kagabi ay papakuluan na lang niya hanggang sa mag carmelized ang sabaw nito. “Ikaw Ate, kumain ka na ba?” tanong ko dito. “Hindi pa, hinintay nga kita e.” sambit nito na medyo sumaya na. “May binilin pala