When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Nagtungo kami sa kusina para kumain. Kanina pa nag-aalburuto ang mga bulate ko sa tiyan. Ang tagal pa nang sermon sa amin ni Lola Virgie. Itinabi pa niya ako sa kanya. “Kung alam ko lang na darating kayo, sana ay nalutuan ko kayo ng masarap na kare-kare!” ani Lola. Ang ulam na nakahain ngayon ay adobong manok na may halong baboy. “Lola, kayo po ba nagluto nitong adobo?” tanong naman ni Ate Yolly kahit puno pa ang bibig. “Oo ako ang nagluto niyan. Si Evelyn ay taga-gayat lang ako ang nagtitimpla at nagluluto. Wala naman akong ibang magawa kaya sa pagluluto ko na lang ibinubuhos ang oras ko. Bakit hindi ba masarap?” sagot niya kay Ate Yolly at noong huli ay tinanong din niya ito. “Kasi po Lola, kalasa po siya nang luto ni Bea. Di ba po Sir Hector? Ganito ‘yong luto ni Bea? Ang dami m