11

1834 Words

Naiwan kami ni Ate Yolly sa bahay. Pumasok na si Ninong pagkatapos nitong mag-breakfast. Tulad ng pangako ko kay Ate Yolly ay gumawa kami ng menu para sa isang buong Linggo. Tinanong ko rin siya kung ano ang mga pagkain na paborito ni Ninong para iyon ang ilagay namin. Dahil nabanggit si Ninong ay bahagya namin itong napag-usapan. Nahiya kasi ako noon magtanong kay Ninang Fiona ng tungkol kay Ninong Hector. Lalo na at alam kong kasintahan niya ito. “Ate Yolly, bakit mag-isa lang po si Ninong dito? Nasaan po ang family niya?” tanong ko kay Ate. Ang laki kasi ng bahay at ilan din ang mga kwarto na nandito tapos mag-isa lang siya. “Ah may Lola pa si Sir, nasa may Quezon province ito. May malaki silang lupain doon at mas gusto ni Donya Virginia na doon mamalagi dahil walang polusyon doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD