When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“Baby, antok ka na ba?” papasok na sana ako sa kwarto nang magsalita si Hector. “Hindi pa naman. Bakit?” tanong ko sa kanya. “Gusto mo bang maglakad-lakad sa tabi ng dalampasigan? Bilog ang buwan kaya maliwanang sa labas.” Sambit nito. Natuwa naman ako sa sinabi niya na lalabas kami. “Oo gusto ko!” masayang wika ko dito. Hinawakan na ako nito sa kamay at hindi na kami nagpalit pa ng damit. Yung coat niya kanina na nakapatong lang sa akin ay suot ko na pag-uwi. Nagmamadali kaming lumabas ng bahay at tinungo ang papuntang tabi ng dagat. Magkahawak-kamay kami ni Hector na naglalakad sa buhanginan. Bitbit ko ang sapatos ko habang ang laylayan ng damit ko ay nakasayad sa mga buhangin. Sa television ko lang napapanood ang mga ganitong eksena na pwede rin pala naming gawin na dalawa sa t