When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Nagising ako sa mga katok kaya bumangon ako. Si Lola ang nasa labas ng pintuan. “Good morning, hija! Pasensya na sa istorbo. Pinapasabi ni Pedro na manganganak na daw ang mga inahin. Nagbilin daw ang asawa mo na sabihan siya kapag manganganak na ang mga ito.” Ani Lola. “Sige po, la. Gisingin ko po siya. Salamat po.” Sambit ko kay Lola. Bumalik ako sa kama, para masabihan si Hector. “Babe, gising ka na.” bulong ko dito. Umupo ako sa gilid ng kama habang ginigising ito. “Maaga pa, babe. Maya na tayo bumangon.” Iniyakap pa sa bewang ko ang isang kamay nito. At hinila ako pahiga. “Manganganak na raw ang mga baboy, pinapasabi raw ni Kuya Pedro.” Sambit ko dito. Hindi ko alam kung bakit nandoon si Hector? Hindi naman ito Vet. Hindi ko rin alam kung marunong ito sa pagpapa-anak ng hayop