HINDI NIYA mapigilan mapa lingon sa magkabilang tagiliran habang sabay silang naglalakad ng binata. Naka sabit ang isang kamay niya sa baraso nito habang ang mga mata hindi mapigilan na gumagala sa mga dinadaanan. Nagkalat doon ang mga waiter na may dalang tray. Tanaw na tanaw din niya ang mga taong nagsisidatingan at may kaniya kaniyang kapareha. Sa mga paligid may mga lalaking de armado na nakatayo. Kaniya kaniyang bitbit na sandata, tila ba susugod sa pangmalawang gera. Oh, sadyang ganoon lang ang mga taong mayayaman at kung mag guwardya hindi mabilang. "Are you okay?" baling na tanong ng binata kasabay ng pag alis nito ng baraso sa kamay niya, napansin na pala nito ang palipat lipat ng kaniyang mga mata. Walang sagot na umulas sa labi niya, kundi isang tango at simpleng ngiti ang i