RAMDAM NIYA ang pagka antok. Halos wala siyang tulog sa magdamag, saka humikab muli ng magsabay silang humakbang papasok sa loob ng elevator ni Lulu. At nasundan pa ng paghikab ulit bago sila lumabas ng elevator kung kaya't hindi na 'yon pinalagpas ng kaibigan. "Nakailan hikab na 'yan ah?" nahihiyang nilingon niya ang kaibigan. "Ano bang oras ka natulog kagabi huh," dugtong pa nitong tanong. "May araw lang na tinatamad ako Lulu. Maaga naman ako natulog kagabi." paliwanag niya, ngunit pagsisinungaling. Anong oras na nga ba talaga siya natulog? Sino ba ang makakatulog sa nangyare kahapon? Yung sa harapan mo binaril, at kausap mo pa lang ilang segundo patay na sa iyong harapan? Idagdag pa ang sa lalaking naka maskerade at duon napunta ang isipin. Baka sa mga araw na ito, sinusubaybayan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books