Nagmamadali akong maligo ng umaga na 'yon, tinanghali kasi ako ng gising. Naiinis ako kay Lulu kung bakit hindi man lang ako nito ginising. Ang paliwanag nito. Ilang bases na daw niya akong yinugyog sa balikat ngunit ungol lamang daw ang sagot ko. Siguro naasar na rin sa akin kaya hinayaan na akong matulog hanggat gusto ko. Ang ending, heto ako sa banyo. Ligong uwak ang ginawa ko. Aminado akong matagal akong maligo, aabot siguro ng kalahating oras o higit pa. Kaya kasalanan ko kung di ako makaligo ng maayos. Paglabas ko ng banyo ayun at nakita ko ang pagmumukha ni Lulu. Lumapit ito sa akin at kinurot ako ng 'di kalakasan sa tagiliran saka nagsalita. "Alam mong first day mo sa trabaho tapos hindi ka man lang gumising ng maaga!" mataray na anas nito at sinabay pa ang mata na pinaikot.