2:30 PM.. Ngayon oras na nasa harap siya ng bahay ng presidente ng kumpanya. Ilang linggo naba ang lumipas simula ng una siyang mapunta dito? At sa hindi sinasadyang gabi pa. Matapos siyang kumain ng lunch tinawagan siya nito upang dalhin ang ibang papeles sa bahay nito. Kesyo, kailangan daw bukas ang mga papeles at kailangan ng pirmahan. Hindi niya naiwasang magtanong sa binatana noong kausap niya ito sa kabilang linya, nagulat siya ng malamang hindi ito makakarating dahilan sa may sakit ito. Nakaramdam siya pag alala at kaunting awa sa binata, dahil sa nag iba ang boses nito. Hindi niya isinekreto sa kaibigan at ikinuwento niya iyon. Pero laking gulat sa sinabi niya, "Aba! Yan yata kauna unahan 'kong narinig na nagpapunta ang CEO ng sekretarya sa bahay nito." nagtatakang anas n