C 38

1952 Words

Napakamot na lang akong sumunod sa lalaki. Nang nasa main road na kami ay saglit na mahinang nag-usap si Max at Thurstin, at matapos ay umalis na rin ang espanyol na lalaki. Inaya naman na ako ni Thurstin papunta sa ibang dereksyon. Umalis na kami sa Old Town Market. Tahimik si Thurstin habang naglalakad kami. Tahimik lang din ako dahil sa pagod. Hindi na siya mukhang galit pero parang malalim ang iniisip ng lalaki. Ayoko naman ding gambalain siya kaya hinayaan ko na lang na walang imik ang lalaki hanggang hotel. Nanlalagkit ang pakiramdam ko. Feeling ko ay punong-puno ako ng buhangin sa katawan. Kaya nang bumungad sa akin ang pamilyar na gusali ng hotel ay nakahinga ako nang maluwag. Gusto ko nang maligo. Pero pagpasok namin ng lobby ng hotel ay sabay kaming napatda ni Thurstin. Litera

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD