So nasa Western Sahara nga talaga kami. What a dumb luck. Unti-unti pumasok ang truck na sinasakyan namin sa bahagi ng Laayoune na tinatawag na Old Town. Nagulat pa ako dahil karamihan sa mga building ay may impluwensya ng spanish architecture. Halatang naging colony ng Spain ang Laayoune. Bagaman at narinig kong Moroccan Government na ang nagpapatakbo sa siyudad. The Old Town is... old. Yeah, the very obvious. Madalang ang kanto na may poste ng kuryente. Madalang din ang mga sasakyan, kahit ang mga tao ay hindi ganoon karami. Parang nasa loob na sila lahat ng bahay. May mga establisyemento na bukas pa pero wala kang makikitang mga tao. This is like a ghost town. Pinigilan kong sumaltak. "There's an airport here, right? An international airport?" tanong ko. "Si, si!" sagot ng driver.