CHAPTER 9

1544 Words
KYLIE'S POV We just ordered beer with chips and mojos. Si Ann juice lang dahil nagdadalang tao pala siya. Umandar ang oras ko dahil lang sa kuwentuhan at balitaan ng kung anuano. Eleven thirty nang dumating ang sundo ni Ann. Hanggang doon lang pala ang paalam niya sa asawa niya. Kaya nauna na siyang umuwi sa amin. Si Cali, nagpaalam na rin. May pasok pa daw siya kinabukasan. Si Jellai, nakatulog na sa bangko. Tinamaan yata nung beer. Palibhasa, light drinker siya kaya ayun bagsak agad. "Tara sa C.R." aya ni Ly sa kin. "Paano si Jel?" tanong ko. "Hayaan mo lang siya dyan mahiga. Jusko yang babaeng yan, hindi na nagbago. Kahit yata coke ipainom mo eh malalasing pa rin." "Hahaha!" Sabay kaming nagtungo sa C.R. ni Ly. Inayos ko lang ang sarili ko. Namumutla ako nang todo, pansin ko. Kinuha ko yung blackrimmed eyeglass sa bag ko at isinuot yun. Wala namang grado yung salamin. Sinusuot ko lang yun kapag feeling ko, haggard ang itsura ko. Nagmukha akong nerd, gaya ni Cali. Nang tumunog ang cellphone ni Ly ay sinagot niya yun. Sa trabaho niya pala. Newscaster si Ly at bigla siyang naassign na pumunta sa Bohol para balita yung isang kakapangyaring lindol sa lugar. "Oh swap! Mauna na rin ako sayo, Balin. Work," anang babae na agad nagmadali. "No problem. Just go." "See you, next time friend." Ly kissed me on my cheek. "Isasama ko na si Jellai. Isang building lang ang tinutuluyan namin." Tumango ako. Sabay din kaming lumabas ng C.R. pagliko sa isang corner ay bumundol sa 'kin ang isang malaking pigura ng lalaking nakaitim na jacket. Tumalbog ang cellphone ko sa sahig dahil nabitiwan ko yun. To my ashtonishment, ni hindi man lang lumingon ang lalaki sa akin at derederetso siyang pumasok sa Men's Comfort Room. Di ba niya ako nakita? Bulag ba siya? "Stupid people are everywhere," gigil na Sabi ko. Nauna nang umalis si Ly. Nagmamadali na siya eh. Nakita kong inakay niya ang tulog pa atang si Jellai palabas ng bar. At kumaway pa siya sa kin bago sila tuluyang mawala sa exit. Napailing akong pinulot ang cellphone ko. Thank god, GTE-Axis phone are one of the sturdiest. Hindi siya masisira nang basta basta unless pagulungan mo sa ten wheeler truck. I check for scratches. At medyo napasimangot ako nang makitang may maliit na scratch sa gilid ng phone ko. Damn, stranger! Tumayo ako sa labas ng Men's Comfort Room at hinintay lumabas ang lalaking bumundol sa akin kanina. Nakasuot siya ng black jacket na may red strife sa collar kaya madali lang siya hanapin. I stood for more than five minutes at ilang lalaki na rin ang lumabas pasok sa loob ng CR pero di pa rin lumalabas ang lalaki. Anong nangyari dun? Nagpakalunod sa inidoro? Nagdesisyon na akong pumasok sa loob ng C.R. at inihakbang ang paa ko papasok nang... muli, bumundol sa 'kin ang lalaki na aktong palabas naman. Sa lakas ng impact, ako yung humagis sa sahig. Hindi ako agad nakahuma, sumakit yung puwet kong sumadsad sa semento. What the fvck?! "What the hell are you doing on the floor, Miss?!" anang pamilyar na tinig ng bumundol sa 'kin. Nahigit ko ang hininga ko. Pamilyar talaga yung tinig niya. Nang iangat ko ang tingin ko ay napanganga ako. Betcha-by-golly-wow naman! Is this a joke?! Anong ginagawa ni Thurstin dito?! And to top that, siya din yung bumundol sa 'kin kanina. He's that guy in black jacket with red strife. "What the fvck!?" sigaw ko. Minumura ko ang tadhana. Thurstin chuckled as he stood in front of me and offered his hand. Napamulagat tuloy ako. "Let me help you." Si Thrustin Lauren Piers, in-offer ang kamay niya sa kin para makatayo ako?! Unbelievable! Is he insane, finally? "Hindi ka dapat gumugulong sa sahig, Miss. Lasing ka ba?" aniya. Nang mapansin niya atang hindi ko tatanggapin ang kamay niya eh siya na ang dumakot sa braso ko at balewalang hinila ako patayo. Natitigilan lang ako. Something's missing. Hindi ba niya ako nakikilala? I mean, given na wala akong make up, but still dapat makilala pa rin niya ako dahil ilang beses na niya akong nakita nang malapitan. Thrustin Lauren Piers smiled at me, then he patted my cheek. Kinilabutan ako. Ngumiti siya sa 'kin at tinapik pa ang pisngi ko, my god! Si Thrustin ba siya? Yung tarantadong gusto akong ipalapa sa unggoy noong nakaraan?! Bakit ang bait niya bigla?! "Ah.. ahmm... Are you..." hindi ko maituloy ang sinasabi ko. Kinikilabutan pa rin ako. Thrustin chuckled again. Then he walk away... and that's how things enlightened me. Pagewang-gewang siya lumakad. Humahawak siya sa mga pader na parang nahihirapan siyang hanapin ang daan. So, kaya pala medyo mapula ang mukha at mata niya. That guy is drunk. He's drunk to the point na hindi niya ako nakilala. Ngumisi ako at sinundan ang lalaki. Nakita ko siyang naupo sa isang stool sa may counter at sumubsob doon. Wow. Lasing na nga siya. Let's see. Tingnan nga natin ang ugali ng isang Thrustin Lauren Piers kapag nalalasing. So they said, that a man pour his heart when he's drunk. And shout the content of his soul out. Anong sekreto ang kaya mong isiwalat, Thrustin Lauren Piers? Drunkard monkey. Kylie's PoV I took the stool next to where Thrustin seats. The bartender immediately turns to me. "What's for the beautiful lady?" he said. "Scotch, please!" sagot ko. Seems like my voice caught the attention of Thrustin. He looked at me with a knotted forehead. "You!" What? Huwag niyang sabihing nakilala niya ako agad? "I saw you yesterday!" dagdag ng lalaki sabay turo sa 'kin. Tatayo na sana ako para tumakbo kasi feeling ko nakilala na nga niya ako bilang Kylie. "Ikaw yung babae kahapon na gumulong sa sahig kasi nabunggo sa 'kin! Bakit nandito ka uli?" Ako naman ang kumunot ang ulo. Lasing na nga yata talaga tong lalaki na 'to. Iniisip niyang kahapon nangyari yung kani-kanina lang na pag-dive ko sa semento. Ibang klase! "Mmmm... kasi... gusto kong uminom?" sagot ko na lang. Thrustin scoffed and frustratedly finger-combed his wavy hair. Nakatitig lang ako sa lalaki habang slowmotion niyang hinahagod ang buhok. My eyes roamed around his forehead to his strong jaw and neck back to the tip of his nose, lingering awhile to his red lips. Damn! Why is this man so good-looking?! He could be a Hollywood actor! What is he doing with his life? With his face like that, and his body like that--- "Ahem!" biglang tikhim ng bartender. Natigil ako sa pagpapantansya--- i mean, pagtitig sa lalaki. Lumingon ako sa bartender at ngumiti. "Here's your scotch, Mam!" anang lalaki na nanunudyo ang mga mata. "Thank you!" Kinuha ko ang maliit na kopita para tunggain iyon pero bago ko pa mailapit yun sa bibig ko eh biglang kinuha ng lalaking kalapit ko ang inumin at siya ang tumungga noon. Napanganga ako sa ginawa ni Johan. "Just what the heck did you do?" sikmat ko. Thrustin laughed lightly, his whole face and neck in bright red color. Sobrang lasing na yata siya. Tumatawa siya sa harap ko matapos agawin ang inumin ko. But in fairness, his teeth... it's so sparkly and perfect and I think I like to--- Kylie, stop! Bumalik ka sa sarili mo! wtf! "Mister, yung scotch ko!" Thrustin pointed his finger towards me. "A woman like you shouldn't drink alcohol." "It was just a scotch!" "Still alcohol," balewalang sabi ni Thrustin bago muling sumenyas sa bartender. "Water for her, please." "Are you kidding me?" gigil kong sabi. Nahuli kong tumatawa ang bartender. "Margarita na lang sa'kin! At kung anuman ang pinakamatapang na inumin mo dyan, ibigay mo sa lalaking yan. Nang bumaliktad siya sa upuan niya at matahimik." Thrustin laughed wildly. Yes. He was laughing like a dog. Halos maluha-luha na siya. Feeling ko mai-stroke na siya dahil hawak na niya ang dibdib niya. His whole face are in dark shade of red, its quiet alarming. Hinawakan ko si Johan sa braso niya dahil para siyang matutumba sa upuan niya. "Hey Thrustin ! Are you okay?" Suddenly, the man stopped laughing and stared at me with the full inquiry. "How did you know my name?" Yay. Parang napasong bumitaw ako ng hawak sa braso ni Thrustin at nag-iwas ng tingin. "Er..." "I can't remember telling you my name!" "I... Ummm... You... Hehe!" Kumunot ang noo ng lalaki bago nagkamot. "I guess nakalimutan ko lang. Imposible namang malaman mo unless sinabi ko sayo di ba?" "Tama! Hehe! Nagpakilala ka sa 'kin, that's right!" pekeng tawa ko. "Pero hindi ko matandaan na nagpakilala ka," baling muli ng lalaki sa'kin. Natigilan ako. Oo nga naman. Hindi niya talaga matatandaan. "I'm Clai! Nakalimutan mo agad!" "Oh yeah! Clai!" Parang nagliwanag ang mukha ni Thrustin pero nang naisip-isip niya na di pamilyar ang pangalang sinabi ko ay muling nangunot ang noo niya. "Clai. Clai. Clai." "Huwag mong pilitin kung hindi mo maalala," sabi ko. Inabot ng Bartender sa'kin ang Margarita at iinumin ko na sana ulit yun nang mapansin kong nakatitig si Thrustin sa baso. "O gusto mo? Sayo na!" Inilapit ko ang baso sa lalaki at walang babalang ininom niya naman ulit yun. Hah! Goodluck sa tiyan mo, hijo. Kung di yan mag-alburto yan mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD