KYLIE's POV
"Rosie, stop talking! I told Jermy I'd be gone for a long period! I'm taking a long fvcking vacation!
What are you on about, you booked my flight to France for a new Fashion Show? What a moron you are.?!!"
Nakakaasar! Bakit ang tatanga ng mga tao ngayon, my god?
Nakakapagod rin kasi. Kaya nung makarating sa 'kin yung invitation na ikakasal ulit ang pinsan kong si Bennet i was really confused kasi bakit dalawang beses siyang nagpakasal at sa iisang babae lang din, I took advantage of the occasion and flew home.
Sinabi ko kay Jermy, ang handler ko sa Management, na mahabang bakasyon ang gusto ko at pumayag naman siya.
Like what the heck! I was supposed to go to Palawan to relax but her stupidity, I... aaargh!
"I'm sorry, Kylie.I had no idea you had already requested a vacation. You can't say no to FW, I'm sorry.. Masisira ang reputation ng ating Management pag nag-back out ka," narinig kong sabi ni Rosie sa kabilang linya.
"You know what, Rosie? Fvck that reputation. I don't care!"
Pinatay ko ang cellphone ko at binato sa sulok ng backseat bago ako bumaba ng sasakyan.Kailangan kong kumalma dahil masisira na naman ang beauty ko. Ayokong makita ako ng mga guest na nakasimangot. inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. I could also hear water flowing from somewhere. Napasimangot ako nang maalala ang pagkahulog ko sa fountain kanina sa Garden dahil sa buwisit na unggoy at mukhang unggoy na lalaking yun!
Kinailangan ko pa tuloy bumalik ng Hotel na aking tinutuluyan para lang magpalit ulit ng damit.
I decided to just wear a maroon dress, Gusto ko sana yung gold dress ko na binili ko sa Paris noon, pero naalala ko yung sinabi ng lalaking yun kani na na naa-attract daw sa shine'y colors ang unggoy na yun. Natakot naman ako, kaya hindi na rin ako nagsuot ng alahas.
Ni-lock ko muna yung kotse ko bago ako naglakad papasok ng Reception Hall and Marami pa rin ang nakikita kong guest at na ro-roon na rin ang bagong kasal.
Agad na napatingin saakin ilang kalalakihan na guest nang ako'y papasok sa loob ng reception. Well, Im Kylie Leofwin sino pa ba? Sanay na ako sa atensyon kaya balewala na lang sa akin ito.
Hinanap ng mata ko si Ate Annie. Na-roroon siya sa isang table kasama ang anak niyang si Lukas at ang ilan pang relatives namin.
Agad naman akong dumi-retcho ng palapit sa table nina Ate Annie.
Nahagip ng aking paningin sina Bennet at Cole Sa harap ng , Nakasimangot ang lalaki habang nakatingin sa asawa na kumakain.
Natatawa akong nag iwas ng aking paningin sa mag asa at biglang na pa dako ang aking paningin sa pinaka sulok na part ng reception. Nang maaninag ko ang dalawang lalaking patuloy na nag uusap Otomatikong napa taas ang aking kilay sa nakita.
Ang Lalaking yun!. Sino pa ngaba? ang lalaking may hawak na unggoy kanina sa Fountain. He was cheerfully chit-chat-ting with a female who looked exactly like the bride.. Iisipin ko sanang si Cole ang kausap ng lalaking yung pero imposible yun dahil kasalukuyang Kumakain ito kasama ang kanyang asawa. If the girl isn't Cole, she's most probably her twin and i heard na may twin siter pala si cole.
Umismid ako nang makitang pangiti-ngiti si Ang lalaki sa babaeng Kausap nito. Para siyang nagpapa-cute na ewan.
Eww.
Tsh! Samantalang sa 'kin ang Sama sama ng ugali niya. Gusto ko sana siyang batuhin ng aking heels pero nakita kong kumaway na si Ate Annie sa 'kin kaya nagpigil ako sa aking balak Gawin.
When i was about to turn my head, that guy caught my eyes. Hindi ko alam pero natigilan ako sa paglalakad.His stare has turned cold, sending shivers down my spine. Bakit ganun siya makatingin sa 'kin?
Kumukurap-kurap ako. Nang tumingin akong muli sa lalaki, hindi na siya nakatingin sa kin. O siguro guni guni ko lang din yun.
Nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad palapit kina Ate Annie.
"Balin!" biglang tawag ni Lolo Arthur mula sa kung saan.
Napangiwi naman ako sa narinig.
Nangtinginan kasi ang mga tao. Ang lakas ng sigaw ni Lolo Arthur.
"Balin! Come here! Dito ka maupo sa tabi ko."
Yumukod ako at di pinansin si Lolo. Itinago ko rin ang mukha ko dahil nagsisimula nang magtanong ang ilang guest kung sino si Balin. Ayokong malaman ng ibang tao na Balin ang pangalan ko.
Halos mag-dive ako sa upuan makaiwas lang. Tumatawa si Ate Annie at si Lukas nung makaupo ako.
"Binroadcast ni Lolo na Balin ang pangalan mo, Auntie", ani Lukas
"Shut up!" angil ko.
Inilapit ni Ate Annie ang mga pagkain sa kin. "Ikain mo na lang yan Kylie. Kanina pa kita hinihintay."
Nakita kong puro meat ang nasa mesa at Dahilan para ma-pakunot ang aking noo.
"You know I don't eat meat, whether it's pork or chicken ate," I said.
Ate Annie scoffed. "Kumakain ka, Kylie. Bata ka pa lang matakaw ka na sa meat. Nag-inarte ka lang nung maging model ka. For once in your life, kumain ka ulit ng protein. Kailangan mo yan sa buhay." ani nito
Napanguso ako sa narinig, ako Kilala talaga ako ni Ate Annie simula pag ka bata, Anyway mukhang wala namang sigurong press dito. Walang masamang kumain.
Sumandok na ako ng pagkain I don't know what kind of dishes they are, pero mukhang masarap kaya go. Gutom na rin naman ako. Naalala ko si Cole at ang pagkain niya. Sana dumating ang araw na magawa ko ring kumain ng ganun karami ulit.
"You're going to Palawan after the wedding, aren't you?" untag ni Ate Annie habang kumakain ako. "Kami ni Lukas babalik na sa Chicago. You know my husband. Hindi nun kayang malayo kami ng anak niya." ani nito.
Inikot ko ang mata ko. "Eh di sana isinama mo na lang si Kuya Ronie."
"Hindi niya pwedeng iwan ang business."
"Tsh! Eh kesa napapraning siya kakatawag sa inyo ni Lukas no? Hays. Hindi na ako tutuloy sa Palawan."
Nagulat si Ate Annie. "O? Akala ko ba magbabakasyon ka sa Coron?"
"Ang engot ni Rosie. Isinama ako sa line up ng model sa France Fashion Week and ang mas nakakainis, opening ako. I can't reject that. Kahit papano ayokong masira ang image ko " sagot ko.
"Yeah. At least alam nilang kahit nuk-nukan ng sama yang ugali mo, professional ka naman pagdating sa trabaho," dugtong ni Ate Annie.
Napasimangot ako nang wala sa oras. Lahat na lang ba, tingin sa akin eh bruha? Tsk! I'm like the kindest person in the whole world duh.
I was about to eat but a man suddenly appear beside me. and he said, "Hey... may I have this dance?" he asked.
"Tang-ina mu, Lukas. Aatakihin ako sa gulat sayo! Sumusulpot ka na lang bigla!" buska ko sa pamangkin ko.
"For a lovely lady like you., ang sama ng lumalabas sa bibig mo Auntie," tumatawang sabi ni lukas. "Hindi bagay sayo." naiinis kong ani.
Inilahad niya ang kamay niya. Tumingin ako sa paligid. Mukhang nagsasayawan sa dance floor ang mga guest.
Humawak ako sa kamay ni Lukas at sumama sa kanya na sumayaw sa Gitna ng Dance floor.
"Ang tangkad mo na, pamangkin," sabi ko habang nagsasayaw kami.
He grew in height. Lukas was eighteen the last time I saw him. He's probably twenty years old now.
"Six footer, Aunt Balin. Mataas lang ako sa'yo ng ilang inches," ngisi niya.
"I'm five-nine so yeah. Kamusta? Si Clarkie? Parang mas mailap ang bunso niyong yun ngayon kesa noon," tanong ko.
"Nagbibinata na eh. Kaya mas maarte na siya ngayon."
"May girlfriend ka na?"
" Wala."
Tumawa ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Still allergic to girls.
"Eh ikaw Auntie? May boyfriend ka na?" tanong ni Lukas habang patuloy parin kami sa pag sasayaw.
"Wala na. Dinispatsa ko na. He's stupid and a two-timer yuck. Niloko niya ako," sagot ko. Remembering my ex's face makes me want to punch him hanggang mamatay sya pere dahil hindi konaman magagawa yun at hindi naman ako mamatay tao.
Lukas's eyes grew cold as ice. "Niloko ka niya? You want me to end his life? Madali lang yan. I can do it now." naiinis nitong sabi
Nanlaki ang mata ko nang dukutin ni Lukas ang cellphone niya. Kilala ko ang pamangkin ko. At hindi rin nya nililihim sa kin ang mga underground business niya. agad ko namang Hinampas si Lukas sa braso
"Stop it, Lukas. Huwag mong sayangin ang oras mo sa walang kwentang tao tulad ng lalaking yun.."
"Pero niloko ka niya." pangangatwiran pa nito
"So. Hindi rin naman ako Seryoso sa kanya," ngisi ko.
Lukas laughed. Nawala yung dark aura sa mukha nya kaya Nakahinga naman ako nang maluwag. "Iba ka talaga, Aunt." ani pa nito.
"Anong magagawa ko? I'm too beautiful para masaktan no." mayabang kong dugtong sa sinabi.
"Karma is on your way, Aunt."
Tinawanan ko lang ang sinabi ng pamangkin ko.
After a couple of dance, si Ci-N ang sumunod na sumayaw sa akin.
After ni Ci, si Lukas ulit ang nakasayaw ko. Ayaw nila akong biwatan. They just kept passing me on to the next dance partner. After all, everyone who dances on the dance floor switches partners.
Nakasayaw ko pa si Uncle Pony, si Uncle Em, a guy named Sagara, si Ray at si Bennet.
"Can i sit after this dance?" reklamo ko kay Bennet dahil masakit na ang paa ko.
"Nope, si Lolo Arthur pa ang sasayaw sayo. Look!" ngisi ni Bennet
Tumingin ako sa kanan ko. At napangiwi ako nang makita ko si Lolo Arthur na kasayaw si Cole malapit sa pwesto namin. Once na mag-switch mg dance, si Lolo Arthur ang makakasayaw ko at... ayoko nun. Iaannounce na naman niya sa mga tao na may secon name ako and Worse, baka ikwento rin niya ang mga weird na bagay na nangyari nung kabataan ko. My god!
"Uupo na ako," madiin kong bulong kay Bennet.
Umiling ang lalaki bago ngumisi at nagsabi ng magic word na 'switch'.
Malakas niya akong inikot para ilipat sa next partner, pakanan. Pero imbes na sa kanan. Sa kaliwa ako pumunta para takasan si Lolo Arthur. Nagmamadali pa ako.
Kinuha ko agad ang kamay ng lalaking nagsasayaw sa may kaliwa ko at halos itulak ang partner niya. "Switch," sabi ko lang sabay hawak sa balikat ng matangkad na lalaki,Nang masdan ko ang mukha ng bago kong partner ay agad akong napa-pitlag.
Si...Thurstin Lauren Piers ang nasa harap ko!