Razzo "The Fuckboy"

2763 Words
Razzo pov "Aaahh inaantok pa ko." Namimilipit pa ko sa higaan at naginat inat kulang pa ang tulog ko, Pero nagising na ako ng nakabulahaw ma tunog ng alarm clock. Argh!! Ang sakit ng ulo ko, sobrang hard naman ng drinks na ininom namin kagabi.  Door knocking... "Sir Razzo gising na po, pinapatawag na po kayo ni General." Dinig kong sabi ng Yaya ko sa labas ng kuwarto ko. "Wait Yaya Julia inaantok pa ako." sigaw ko para marinig ako ng yaya kong si Manang Julia. "Sir Razzo bumaba na kayo gusto kayo makausap ni General." Muli niyang sabi. Ano ba naman buhay to. Natutulog pa yun tao. Tapos pagkababa ko sermon lang naman mapapala ko. "Sir Razzo." "Pababa na maghihilamos lang ako Yaya." Sigaw ko upang marinig ako ng Yaya ko. 13 years ago nang iwan ako ni Mama dito sa pinas, simula noon si Yaya Julia na ang nagpalaki sakin. At ang Papa ko na heneral ng mga sundalo was just only a strict father. Wala naman siyang ginawa sa buhay ko kundi ang manermon sakin araw-araw. "Bakit ba ko napasama sa tropa ko kagabi yan tuloy, bitin na nga sa tulog may hangover pa. Kung kailan saturday at schedule ko ng breakfast meeting kay Papa." Kaagad akong naghilamos ng mukha at toothbrush para magmukha akong walang amats at mabuhay ang dugo ko. Hinanda ko na ang sarili ko iimaginin ko na lang na may headset ang tainga ko. Para less impact ang sermon sakin. Pagkalabas ko sa sarili kong bahay ay nabungaran ko si Ate Inday na naglilinis ng pool. "Good morning Sir Razzo." bati sakin ni Ate Inday. Si Ate Inday ang pinaka nagtagal na bagong maid dito samin. Sila Manang Remedios at Yaya Julia ay bata pa lamang ako ay naninilbihan na sila samin. Walang nagtatagal na maid dito samin dahil umaalis kaagad it's either binubully namin ng pinsan kong si Franco o kaya nabo-broken heart samin. Im not bragging pero guwapo and hunky talaga kaming magkakapatid, habulin kami ng mga babae kaya eto bless na bless. You know what I mean. Napatigil ako saglit nang may namataan akong magandang babae na bigla na lang naglaho. "Razzo, Kanina pa kayo hinihintay ni General." Nagulat ako sa pagsulpot ni Yaya Julia nang balak ko sanang tingnan ang babaeng nakita ko. "Ginulat niyo naman ako Yaya Julia." Huminga muna ko ng malalim bago pumasok sa pinto ng kusina (gilid ng mansyon) mapapalayo kasi ako kung sa main door pa ko dadaan ng harap ng bahay ni Papa. "Magandang Umaga!" Bati ko kanila Papa na parang ang saya-saya ng umaga na huwag naman sana umpisahan ng umaatikabong sabunan o sermon. "Maganda umaga din sa iyo Tito Razzo kong guwapo!" bati sakin pamangkin kong si Emily. "Magandang Umaga din Tito Razzo!" bati din ni Kobe ang panganay ni Kuya Wesley. "Kids tapos na ba kayo kumain?" tanong ni Kuya Wesley sa mga pamangkin ko. Si Kuya Wesley ang panganay saming magkakapatid, Isa siyang lawyer. Sumunod sa kanya si Andrew wala na kaming balita sa kanya dahil matagal na siyang lumayas dito sa bahay. Siraulo kasi ang isang yun at kontrabida sa buhay ko. Mga bata pa lamang kami palagi na kaming magkaaway. "Opo Daddy." sagot ng magkapatid. "Okay go to Manang Julia and prepare now for school, maligo na kayo." Utos ni Kuya sa dalawa. "Okay po Daddy." sagot ng masunurin batang si Emily. "Tito Razzo play tayo mamaya ng basketball pagkauwi mo ah." paalala ni Kobe sakin habang paalis ng malawak naming dinning room. "Sure little pogi." Sagot ko sa napakakulit na si Kobe. "Sige na kilos na Kobe, mala-late na kayo sa school." sabi ni Kuya Wesley kay Kobe habang akay-akay na ni Yaya Julia. "At anong oras ka na naman umuwi Razzo?" salubong ang mga kilay ni Papa na nakatitig sakin. Matikas na dating ni Papa na nagbabasa ng diyaryo. "Hindi ko na namalayan Papa eh." preskong sagot ko habang ngumunguya ng tasty bread. "Wesley anong oras umuwi yan si Razzo?" Baling ni Papa kay Kuya Wesley. "I dont know Papa maaga kasi ako natulog kagabi, bumawi kasi ako ng tulog sa mga gabing nagpuyat ako." I know nais akong pagtakpan ni Kuya kaya mas minabuti niyang magdahilan na lang na maaga siyang natulog. "Sasagutin mo ba ko Razzo, o gusto mo puntahan ko pa ang guardhouse natin para i-check ang cctv kung anong oras ka umuwi." "4 am na po." sagot ko, no choice eh. "At bakit naman inabot ng ganyang oras sa labas, may ginawa ba kayong school project? O nagliwaliw na naman kayo ng pinsan mong si Franco at ng mga kabarkada ninyo?" "Inimbitahan po kasi kami ni Franco sa birthday kaya madaling araw na kami naka uwi." I replied. "Alam mo anak hindi naman kita pinagbabawalan makipaghang out o pumunta sa mga gimikan. Ang aking lang anak, Huwag mong dalas dalasan ang mga lakwatsa mo. Magfocus ka din sa pag aaral para good ang credentials ang makukuha mo after mo mag graduate." Napatulala ako kay Papa . Himala, anong nangyari at hindi ako sinesermonan ngayon, bakit napaka malumanay niya magsalita ngayon. It's a soothing music into my ears. "Pa i have to go, may meeting pa ko ng mga kumpadre ninyo na nagpapatulong sakin ng legal advice." Paalam ni Kuya Wesley. "Ingat ka pagdrive Wesley." paalala ni Papa kay Kuya. "Yes Pa," sagot ni Kuya Wesley mula sa pinto papalabas ng bahay. "Isipin mo naman ang sarili mo Razzo. Tularans mo ang Kuya Wesley mo na maraming na-achieve. Wesley is very responsible noon college days niya. May barkada siya at gumagala din minsan pero nag eexcel naman siya sa mga grades niya." "Papa Matataas po mga grades ko." Nanlaki ang mga mata ni Papa. Halatang nagkamali siya nang sabihin yun. Yun kasi ang problema kay Papa wala siyang alam sa mga nangyayari sakin. "That's good pero ayaw ko pa rin na gumagawa kayo ng kalokohan ni Franco." Papa said. "Kasi kung hindi kayo magpapatino ipadadala ko kayo ni Franco sa military school," sabay bagsak ni Papa ng kamay sa lamesa. "No huwag po Papa." protesta ko para akong na gunshot sa ulo ng marinig kong ipadadala niya kami Franco sa military School. "Tandaan mo usapan natin ngayon ah pag binigyan mo pa ko ng sakit ng ulo, kaagad dadalhin ko kayo ni Franco sa military school, is that clear?" Paglilinaw ni Papa. "Opo Papa, Malinaw po." "And by the way bawal mo gamitin ang kotse mo ngayon. Baka madisgrasya ka pa sa daan. I don't think you had a enough sleep." "Papa!" Tutol ko. Napakamot na lang ako ng batok at ulo, dahil alam kong ito ang parusa ko sa ginawa kong pag uwi ng madaling araw. Kung anong utos ni Papa yun na ang masusunod. Gingawa niyang mitary camp itong bahay sa mga di ko gustong pamamalakad niya. Wala na kong magawa kung di kumain na lang mag isa dito sa napakahabang lamesa, nag iisa at walang kasama. Lagi naman ganito ang nangyayari parati akong mag isa kaya tuloy bigla kong naalala si Mama. Ganito palagi dito sa bahay malungkot, hindi katulad dati na narito si Mama na parati akong inaalagaan. Ilag ang mga tao sakin pati mga maid ay hindi ako kinakausap. Dito walang nakaka appreciate ng lahat ng ginagawa ko. hindi tulad sa school na madami nag-aadmire sakin at pinagkakaguluhan pa ng mga chicks. ꧁༺~~~~~~~༺꧂ At the campus... Hindi pa ako nakakapasok ng Campus ay marami ng bumabati sakin. Mga bebot at mga professor na halatang gustong magpaharot sakin. "Hi Razzo!" bati sakin ng nanalong Ms. Tourism ng College of Tourism. "Hi, Congrats sa pagkapanalo mo yesterday ah," wika ko. "Thanks Razzo." Sabi niya habang papalayo ningunan ko pa siya para pagmasdan ko ang kanya well curved body na ang sarap panggigilan. Patuloy pa ko sa paglalakad sa gitna ng Campus ng may msasalubong na naman akong mga fans ko. "Hi Razzo!" Sabay-sabay na bati sakin na grupo ng mga highschool student na akala mo'y kinikiliti sa kilig. "Hi Razzo ang pogi natin ngayon ah." Bati pa ng isang psychology student na naging kaklase ko sa minor subject and guess what naka one night stand ko na siya. "Hello Razzo, puwede ka ba mag escort sa debut ko." wika ng isang nursing student na nakalimutan ko na pangalan niya. "Ahhh.. Chat mo ko kung kailan para di ko makalimutan." Nangingiti kong sabi "Sure i-accept mo kaya message request ko sayo." Wika niya. "Yup later basta ichat mo ko natatambakan kasi inbox ko eh." "Razzo naalala ko din puwde ka ba kunin endorser ng milktea shop business ng Mama ko. Sige na." Alyssa said while she seductively starring at me while combing her hair with her fingers. "Sure no problem message mo lang ako kung kailan mo ko kailangan. Medyo hectic kasi ang sched ko this week. Pero willing ako to help you." Sagot ko naman. "Thanks Razzo message kita aasahan ko yan." sabi niya. Nagpaalam na sakin ang cutie babe habang lumalayo siya ay nagngingitian pa rin kaming dalawa. Tell your Mama to buy you more panties. Lagot ka sakin. I smirked. This is my chance to screw you. Sabi ko sa sarili ko. "Oy Razzo Cuz (short for cousin) ano buhay pa ba? Haha." biglang akbay sakin ni Franco na pinsan ko. "Men dahil sayo di tuloy pinagamit sakin ni Papa bago kong kotse." Sumbat ko sa pinsan ko. "Matanong ko nga, ako ba may kasalanan kung bakit hindi ka pinauwi ng mga girls kaagad kagabi." Franco said with a devilish smile. "Oo na, ako na dahilan." Nagtuloy na kami sa paglalakad sa pathway ng campus habang naguusap. "Ano Cuz nakuha mo ba yun pinsan ni Jasmin yun Thea ang pangalan." "Thea ba pangalan nun , hindi lea?" F*ck Im so confused. "Gag* ka Cuz naka s*x mo hindi mo tanda pangalan Thea pangalan nun." Huminto ako sabay taas ng mga kamay. I surrender. "Anong magagawa ko eh gusto nila ko, gustong magpakama sakin. Ang dami-dami kaya nila kagabi so I cant remember their names." mayabang kong sagot kay Franco. "Yes yan ang pinsan ko ang fuckboy ng Saint Matthews University." Natatawa niyang sabi. "Bunganga mo naman Men nasa gitna tayo ng university oh ang dami pa namang estudyante." "Sorry naman may hangover pa ko with Jasmin." "Ang ibig mong sabihin naka score ka din?" "Siyempre Thompson din ata ako." "Nice!" saad ko sabay fist bomb namin. "Hi ex kamusta ka na." Nagulat na lamang ako nang may humawak sa kuwelyo at batok ko. Binati ako ng nursing student na sa totoo lang ay nalimutan ko na rin ang pangalan. Sa dinami-dami ng mga naging girlfriend ko dito sa university hindi ko na sila matandaan lahat. So sad. "Ahhhh. ..Okay naman ako." pahabol na sagot ko dahil nagtuloy tuloy lang ito sa paglakad. "Fu*k cuz ang ganda nun ah pero sumimangot halata kasi sa itsura mo na nakalimutan mo pangalan niya." "Yun nga Men di ko maalala pangalan niya." na patuloy ko pa rin iniisip kung ano ang pangalan ay kailan ko din siya naging girlfriend. "Wala na talaga ko masabi Cuz ikaw na," "Excuse me Razzo, Salamat naman dumating ka na," biglang lapit samin ni Trish na sports writer namin at kilalang vlogger. Sa dinami ng mga babae lumalapit sakin itong si Trish lang ang parang tropa lang kung makipag jamming sakin. Palibhasa kasi tomboyin kahit cute chinita ang babaeng ito "Huh Bakit?" "Razzo di ba ngayon ang videoshoot ng vlog ko sa iyo. Yun, A Day with Razzo." "Huh ngayon na ba yun?" tanong ko. "Oo kaya halika na madali lang naman ito kukunan lang kita video habang ini-interview kita dito sa school, ife-feature ko lahat ng ginagawa mo dito sa school and thats it." "Okay, okay madali lang pala eh, ngayon na ba?" Tanong ko. "Yup, okay ready one, two, three ready." "Hi guys, welcome back to my youtube channel. And for todays video ife-feature ko ngayong araw na ito si Franz Razzo Thompson, Ang crush ng bayan at the same time varsity player s***h social media hearthrob. "Hi sa mga followers ni Trish, I hope magustuhan ninyo ang video niya for today." "So Razzo bago ka pumasok sa klase mo what is usually na ginagawa mo dito sa school?" tanog ng Vlogger na si Trish. "Girl watching yun ang madalas gawin ni Razzo." Sabay singit ni Franco sa video shoot. "He's Joking, by the way siya nga pala ang cousin kong si Franco. Going back sa tanong madalas ang una kong ginagawa eh hinahanap ko ang tropa kung nasaan sila tara samahan niyo ko." "Okay Razzo puntahan na natin ang tropa mo." utos ng Vlogger Mabilis namin hinanap ang tropa at natagpuan ko sila sa bleachers. (Ito yun inuupuan ng maraming manunuod na parang baitang ng hagdanan, upuan sa mga basketball court at stadium) "Guys I would like you to meet my Friends, Carla say hi." Bungad ko sa mga tropa ko sabay unang pakilala kay Carla "Hi, bakit may video?" "We're doing vlogging." Maikli kong sagot. "Siya ang pinakamaganda sa tropa." sabi ko. "Baliw!" sabay senyas niya na huwag ng videohan. "And that is Hanz ang genius ng tropa." introduce ko. "Hi! Razzo may group project tayong gagawin bukas." Wika naman ni Hanz sabay kaway sa camera ni Trish. "And that is Lee ang kalog sa tropa namin." "Hey yo wazz up men!" sabay fist bomb samin ni Lee sakin at kay Franco. "And this is Jill, ang sexy cheerleader member ng pepsquad natin." Sabay turo ko kay Jill na nagma-makeup. "Hello guys, sabay fly kiss sa lente ng camera." "So ito usually ginagawa ko bago ko pumasok sa klase and minsan may practice ako sa basketball." sabi ko. "At kapag naglalaro siya ng basketball napupuno ng mga girls itong court para panuorin si Razzo." singit muli ni Franco na hindi maawat sa kakulitan. "May pin question dito Razzo pero madalas nang makita ito sa mga social media accounts mo, ilan talaga abs mo?" "Kailangan ko ba sagutin yan." pa-humble kong sagot. Napansin kong may mga lumalapit na mga estudyante sa kinaroroonan namin. "Bakit hindi natin bilangin ang abs ni Razzo di ba guys." Tuwang tuwang sabi ni Trish. "Oo nga." sigaw ng mga baklang estudyante na nakatambay din sa bleachers. "Oo nga." sang ayon ng mga babaeng estudyanteng nakikiusyuso na samin. "Show your abs!" "Show your abs!" "Show your abs Razzo!" kilig na wika ng Vlogger na si Trish. Lumingon ako sa paligid lahat ay sumisigaw na ipakita ang abs ko kaya naman bago pa kami sitahin ng mga prof at security guards dahil sa mga ingay namin, wala na ko na gawa na ipakita ang abs ko. Kunwari nahihiya pa ko pero game at willing naman ako magshow off. Itinanggal ko ang dalawang butones ko ng laylayan ng uniform ko sabay taas para lumitaw ang six pack abs ko. Halos mapuno ng tilian ang lahat ng mga kababaihan at kabaklaan sa court. "One, two, three, four, five, six, six pack lahat ng abs ni Razzo," "Omg were so hot na here mga kavlogg so ayun nakita na natin ng live ang six pack abs ni Razzo, Razzo yaman din lang na maraming babae ngayon na naririto ay nanunuod sa atin ano ba mga qualities na hinahanap mo sa babae." Napaisip ako kung ano ang mga rare qualities na gusto ko sa isang babae. "Hmm, Ano nga ba hinahanap ko sa isang babae....." "Ang tipo ko sa babae ay yun simple, mahinhin yun hindi karenkeng, mababang loob at sobrang bait yun ang mga katangiang hinahanap ko sa isang babae." saad ni Razzo. "Okay maraming salamat Razzo, puwede mo bang sabihin samin ang mga social media accounts mo para mafollow ka namin sa lahat ng mga updates mo." wika ng vlogger na si Trish. "Okay you can follow me at Franz Razzo Thompson officials, i hope nagustuhan niyo ang video ni Trish for today bye, bye!" sabay fly kiss sa lente ng camera. "Wow that's really nice Razzo thanks for having you in my vlog, sige mauna na ako para maiedit ko na itong vlogg ko." sabay alis ng vlogger. "Wait Cuz totoo ba yun mga sinabi mo sa video about sa ideal girl mo." "Siyempre natural hindi." Sagot ko "Ano pa ba ang klase ng babaeng gugustuhin ng isang katulad kong fuckboy siyempre yun super sexy at hot na hot sa kama di ba." "Ayos tayo dyan Cuz, dami mong alam." Humagalpak sa tawa si Franco. "Tara na sa classroom balita ko ang dami daw transferee ngayon sa school natin." Aya ko. "Totoo yan at ang dinig ko nagtransfer sila dito para huntingin ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD