MARSHALL's POV Inalalayan ako ni Jasper na pumasok sa bahay, at pagkapasok namin agad namang nagtakbuhan ang mga maid para tulungan ako. Hindi ako kinakabahan sa kalagayan ko kundi sa magiging reaksyon nila Fiolee. “Apo.” tawag ni lolo James habang pababa siya ng hagdan. “Sila Fiolee po lolo?” Unang tanong ko. “Wag ka mag alala, napaliwanag ko na sa kanila. Pero apo ihanda mo na ang sarili mo dahil pag nakalabas ang balitang ‘to sa iba hindi ko maipapangakong mabubuhay pa sila.” tinapik niya ang balikat ko at sinenyas na nasa kwarto ko sila Fiolee. “Lenalie tahiin mo ang sugat ng master mo.” nakita ko namang nataranta si chimay. Pag pinagkalat nila ang nalaman nila baka hindi ko na sila makita. Dahil damay kaming lahat pag nagkataon. Umakyat na ko sa kwarto ko kaalalay ni Le