CHAPTER 2

537 Words
FIOLEE's POV "Okay! Fifteen minutes break.” sigaw ng curio namin sa cheering. Grabe ang pagod ko doon nakakamatay siya magturo, banat kung banat. "Tubig Fiolee?” okay ito na naman ‘tong maamong mukha at mala anghel na boses ni Prince, kanina pa ‘to habang kasabay ko siya pumasok eh. Halos nga makalimutan ko lahat nang kababalaghan na nakita ko kanina dahil sa kagwapuhan niya. Bagay nga talaga sa kaniya ang pangalan niyang Prince. "Ah sige salamat.” kinuha ko ‘yung mineral water na hawak niya, ininuman niya na kaya ‘to? sana OO haha! "Ah siya nga pala Fiolee sabi ni Sir Def, tatanggalin na daw si Marshall kasi daw hindi siya umatend ngayon.” hmm? si Marshall? na saan na nga ba ‘yun? Himala ata na hindi siya nang gugulo ngayon sa practice? "Oo nga no, sige sasabihin ko na lang pag nagkita kami.” saka ko pinakawalan ang pinakabongga kong ngiti para naman mapansin niya na cute din naman ako kahit kilos lalaki ako minsan. "Sige maiwan na kita.” saka siya tumayo at naglakad paalis. Hays hindi effective ‘yung mga pagpapacute o pagpapaganda ko sa kaniya, matagal ko na siyang gusto simula pa nung 2nd year ako. Feeling ko kasi siya ‘yung prinsepe na galing sa libro dahil mashadong bagay sa kaniya ‘yung mga kilos at natural niyang ayos. Hindi naman sa hindi niya ko pinapansin, actually nga napaka-friendly niya kaya siguro madami rin sa kaniya nagkakagusto. Siya na nga ata ang pinapangarap ng lahat ng babae.   MARSHALL POV   Naglalakad ako papauwi kanina galing sa school, hindi naman ako nagmamadali kasi okay lang na malate ako hindi naman ako nagpapractice nang gugulo lang ako doon. Isa pa ayaw ko na rin marinig ‘yung galit na boses ni Fiolee. Simula ngayon hindi ko na siya aasarin o gagalitin. Pipigilan ko na ‘yung sarili kong guluhin siya kahit ‘yun na ‘yung kinasanayan ko. "wag! wag mong gawin ‘yan! Iniintay pa ko ng mga anak ko maawa ka!” Nagpantig ang tenga ko. Ano ba ‘yung ingay na ‘yun? Kaya naman iginala ko ang mata ko at nakita ko sa isang madilim na iskinita ang isang may edad na lalaki at isang babaeng dalaga pa. Yung lalaki ay nagmamakaawa doon sa babae at parang takot na takot dito. Nagsimula na kong magtaka at makiusisa sa nangyayari. "Teka po ano po bang nangyayare rito?" nakita ko ang takot sa mukha ng matanda at parang nagpapahiwatig na lumayo na ko sa lugar na ‘yun. "Sige tatang makakaalis kana,” sabi ng babae sa malumanay na boses. Nangangatog naman na tumingin sa’kin ang matanda at sinabing. "Pasensiya na ijo kailangan pa ko ng mga anak ko.” nagtaka ako lalo sa ikinilos ng matanda saka siya kumaripas ng tokbo. Tumingin ako sa babaeng nakatalikod sa’kin, unti-unti siyang humarap. Saka ko lang nalaman, Halimaw pala ang nasa harap ko. "AAAAAAHHHHHHHHHHHH!!” sigaw, pangangatog at takot na lang ang naramdaman ko ng kagatin niya ang leeg ko. Idiniin niya ang natutulis niyang pangil sa laman ko, nararamdaman ko ang unti-unting pagkaubos ng dugo ko. "Buhay ka pa? aba magaling. Matibay kang bata ka, kaya naman hahayaan pa kita mabuhay, iyon ay kung kaya mo pa mabuhay.” tumawa siya ng mahinhin saka ako hinalikan sa noo. Naglaho siya ng parang bula at ako? iniwan niya doon. Dito na ba ko mamatay? sa ganitong paraan na lang ba? Ni minsan hindi ko na isip na ito ang kahihinatnan ko. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD