CHAPTER 1

763 Words
FIOLEE's POV A Vampire is a mythical being who subsists by feeding on the life essence generally in the form of blood of living creatures etc. Nakakatamad naman, kahapon tungkol sa aswang ngayon naman sa bampira? Ano bang kinalaman naming mga 4rth year d’yan? Although vampiric entities have been recorded in most cultures, the term vampire was not popularised until the early 18th century, Inaantok na ko. This increased level of vampire superstition in Europe led to what can only-- "Nakakaantok naman ‘tong si Sir.” bulong ko sa sarili ko saka tumingin sa bintana. "Matutulog na nga lang ako.” tutungo na sana ako sa mesa ko at magtatakip ng libro para hindi halata na natutulog ako. Pipikit lang ako, unting idlip lang. "SIR!” ay putakte! Nagulat ako dito sa hudas kong katabi, walang iba kung hindi si Marshall. Isa sa pinakakinaiinisan kong classmate ko na walang ginawa kung hindi ang guluhin at ipahiya lang naman ako. "Yes Mr.Perez?” nagulat ako nang tumingin sa’kin si Marshall sabay ngisi. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Baka ipahiya niya na naman ako katulad dati. Ngiting ngiti siya humarap kay Sir at ito na isusumbong niya na ko. "Excuse lang po, CR lang.” pagkatapos n'yang sabihin ‘yun bumalik ulit ang tingin niya sa’kin. Akala ko ipapahiya niya na naman ako, ano naman kaya ang nakain nito at hindi niya tinuloy ‘yung balak niya? alam kong isusumbong niya ko kay Sir dahil narinig niya ‘yung sinabi ko, pero ba't hindi niya tinuloy? "Okay then you can go,” sabi ni Sir at lumabas na siya. Tarantado talaga ‘yun lamunin ka na sana ng CR. Natapos ang mahabang paliwanagan tungkol sa mga bampira na ‘yun, akala ko uwian na, ‘yun pala mayroon pa daw kaming practice para sa sport fest mamayang six pm to nine pm. Ang daming nagreklamo, malamang gabi na kaya ‘yun pero wala kaming magagawa last practice na namin ‘yun. Kaya agad akong tumakbo papauwi. Walking distance lang naman kasi ang bahay namin sa school ko kaya hindi na ko namamasahe. Teka hindi pa pala ako nakakapagpakilala, ako nga pala si Fiolee Hernandez, sixteen years old graduating na this year.  Takbo ako ng takbo! Namamadali na kasi ako dahil 30mins lang magsta-start na daw ang practice. Nagpaalam na ko kay mama at nagpalit ng pang PE uniform ko.. "Kumain ka doon ha, wag papalipas ng gutom fiolee,” sabi ni mama habang inaayos ang bag ko at nilalagyan ng baon.  Masyado niya pa din akong binababy samantalang magco-college na ko. Pano nag-iisang anak niya lang ako at kaming dalawa na lang ang mag kasama. Si papa kasi na matay dahil sa car accident nung 7 birthday ko. Ang malas ba? mismong birthday ko pa haha pero ayos lang andito pa naman si mama na mahal na mahal ako. Iisipin ko na lang na masaya rin ang papa ko kung na saan man siya ngayon. Sinintas ko na ang sapatos ko at sinukbit ang bag ko.  "Ma! alis na ko.” at agad ko siyang hinalikan sa pisnge. "Mag-iingat ka nak lalo na't gabi, ang dami pa namang nababalita na natatagpuang patay sa mga iskinita." "Ma walang magtatangka mang r**e sa’kin haha.” tumawa siya nang kaunti pero bakas ang pag-aalala. "Balita kasi sa TV ang mga aswang daw o bampira, madami na kasi silang nabibiktima. Kaya ikaw mag text ka sa’kin saka lagi kang sumama sa mga classmate mo.” bampira? kanina ko pa naririnig ‘yan tsk, hindi naman totoo ‘yun. "Naniniwala ka doon ma?” napakamot tuloy ako ng ulo. "Oo naman, pa hatid ka kay Marshall ha ingat.” nanlaki ang mata ko kay mama, pano lagi niya ko inaasar kay Marshall, kababata ko kasi ‘yun naghiwalay lang kami ng bahay nang mamatay ang lola niya na tanging nag-aalaga sa kaniya, namatay din kasi ang mama at papa niya sa hindi namin alam na dahilan, tapos ‘yung bahay nila ng lola niya ay inangkin na ng maldita niyang tita. Kaya ‘yun nagtatrabaho siya para mabayaran ang apartment niya. "Ma naman!” Tumawa lang siya at nagwave na sa’kin.  Tumakbo na ko palabas ng bahay at na madali. Napadaan ako sa isang madilim na iskinita, ewan ko pero parang pinapapasok ako doon ng isip ko. Matagal akong na patitig doon, napahakbang ako papasok. Parang lutang ang utak ko at ano ba ‘yung na aaninag ko sa dilim? Pulang mata? Mga pulang mata na parang humihingi ng tulong sa’kin. Mga pulang mata na parang matagal ko nang na kita. Gusto kong makita kung kanino ang mga matang ‘yun. "Fiolee! anong ginagawa mo d’yan malalate na tayo!” bigla na lang akong tinapik ni Prince. "Ha? ah oo ito na.” habang papalayo kami sa iskinita na ‘yun, patuloy pa rin sa paglalakbay ang isip ko kung ano ba ang na kita ko. Kanino ba ‘yun? Ba’t puro kababalaghan ata ang araw kong ‘to?    TO BE CONTINUED 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD