MARSHALL's POV Sinubukan niya kong halikan sa labi pero bago niya pa na gawa ‘yun ay na hawakan ko na ang mukha niya at ibinagsak ‘to sa lupa, nakita ko ang pagkagulat at sakit na naramdaman niya kaya lalo akong ginanahan. Hinawakan kong maige at madiin ang buo niyang mukha gamit ang isa kong kamay. Ipinatong ko ito sa damuhan at pumaibabaw ako sa kaniya. “Ano Earlenne ngayon ka lang ba nakaramdam ng takot sa tanang buhay mo? hahahaha.” tumingala ako dahil hindi ko macontrol ang sarili ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Ang Saya! Nakita ko siyang pilit tinatanggal ang palad ko sa mukha niya dahil hindi na siya makahinga. Nakakaawa naman ‘tong babae na ‘to. Dapat lang sayo ‘yan! “Osige na nga huminga ka muna.” binitawan ko ang mukha niya at kitang kita ko kung pano niya habulin ang hin